New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 9 FirstFirst 123456789 LastLast
Results 81 to 100 of 175
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #81
    slow ako tonite...ano ba ginagawa ni GS? at galit na galit yun parents nung girl sa kanya? ini-stalk niya as in kahit san magpunta andoon si GS???? a little backgrounder naman para lalong maintindihan...hehhe

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #82
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    slow ako tonite...ano ba ginagawa ni GS? at galit na galit yun parents nung girl sa kanya? ini-stalk niya as in kahit san magpunta andoon si GS???? a little backgrounder naman para lalong maintindihan...hehhe
    sa pagkakaintindi ko sa mga posts ni GS, naikukuwento sya ng girl sa parents ni girl, and puro mga negative sides daw ang nababanggit kaya pangit ang impression ng parents kay GS.

  3. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    834
    #83
    Naku bro, di m pa pala na kakalimutan tong babaeng toh. Gaya ng sabi nila ilabas mo ang galit mo sa ibang bagay for example> maturb*t* or eat a lot o play basketball. basta kalimutan mo na yan daming babae dyan hingi ka lng kina boeing. hehehehe

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,773
    #84
    Quote Originally Posted by MOB29 View Post
    the hardest part after all this is over and you look back is that you'll regret having gone through the whole damn thing ...and then you will realize, forgive me for the term, you have been an ass...
    he should save this thread for future reference

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #85
    tough love :rofl01:

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    109
    #86
    A Dream that came into reality (i think we better change the thread NAME)....

    A DREAM that has always been a DREAM...

    kapatid na GS, baka naman umaasa ka na yung panaginip mo eh ang lalabasan eh magiging KABALIKTARAN..nde totoo yun kapatid..

    yung pangarap mo na girl (D****e) eh hangang panaginip na lang, wag ka na umasa, tapos na ang kuwento ng FIRST LOVE.. magtira ka ng para sa iyo pre, wag mo ibuhos lahat para jan, masisiraan ka nyan..

    there are lots of alternative's to do... daming babae jan pre...

    walang samaan ng LOOB...peace...

  7. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #87
    Gs, tigilan mo na itong kahibangan na ito bro...

    madami naman diyan ibang babae na makikilala eh... enjoy life...

    The way your acting right now.. you are such a :loser: talo ka na eh.. ginawa mo naman na siguro lahat ng magagawa mo.. Just move on.. have a life.. di lang sa kanya iikot mundo mo.. madami pa diyan na iba...mas hihigit pa sa kanya...

    Or if kayo talaga sa huli.. magiging kayo rin.. sa ngayon wag mo ipilit.. enjoy mo muna buhay mo.. go out. enjoy. meet new friends... MOVE ON KIDDO!...

    sana lang huwag maging pangit yung tingin mo sa mga tsikoteers na nagaadvise sa iyo.. hindi na nagkulang ang boards sa pagbibigay ng mga advise na pwede mong gawin at sundin.. na sa saiyo pa rin yun.. pero majority na ang nag sasabi.. go on..

    galaw galaw boy baka mai-stroke ka diyan!

  8. Join Date
    May 2006
    Posts
    109
    #88
    galaw galaw boy baka mai-stroke ka diyan![/QUOTE]

    makipagdate ka nang makipagdate, tapos saka ka maimili sa kanila, wag ka magstick sa isang bagay na wala naman return of investment, puro ka GIB, ala naman RESIB....

    alalahanin mo, magpapasko na, bka magsimula ulit ang bagong taon eh wala ka pa rin??

  9. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #89
    gearspeed::: organize ka kaya ng mga EB .pagdami umattend baka may pwede ka mapili doon .lapit na din simbang gabi ,baka may makasabay ka magsimba doon ,advantage din iyon sa church mo na meet ang girl ,iisipin non relihiyoso ka ,kasi palasimba ka , di nila alam SIMBAbae lang pala ..j/K

    jasprit::: parekoy ,di ako iyon baka si mamar iyon certified heartrob

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #90
    so first love niya itong girl? naging mag-on ba sila? first GF? or highschool puppy love/love team lang? teka lang, ilan taon na ba si GS?

    kasi kung naging sila dati sa high school? then nag break it means nag grow na yun girl, dahil obviously pag high school kayo kayo lang nagkikita so pag dating ng college lumalaki ang mundo ng tao and at the same time dumadami ang nakikilala...

    kalimutan mo na yan girl, baka malay mo pag hinde mo na pinapansin saka iya ma realize na na-miss ka niya diba? baka siya pa ang humabol saiyo, and beside meron na palang BF yun eh, respeto na lang siguro sa kanila, ayaw mo naman siguro pag naging kayo meron din aalialigid sa GF mo...

  11. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #91
    crush at first love lang ni GS ang girl, never naging sila...well siguro sa panaginip nya

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #92
    Quote Originally Posted by BlueBimmer View Post
    crush at first love lang ni GS ang girl,
    paano naging first love ni GS? kung hinde naging sila...from what I understand dapat ang first love ganun din ang nararamdaman nun kabialng party??:confused:

    Quote Originally Posted by BlueBimmer View Post
    never naging sila...well siguro sa panaginip nya
    :ouch: :funny:

  13. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #93
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    paano naging first love ni GS? kung hinde naging sila...from what I understand dapat ang first love ganun din ang nararamdaman nun kabialng party??:confused:
    pare puro one way kasi ang love story na to, GS loves D***** but the girl (who has a bf now) does not.

  14. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    1,619
    #94
    Quote Originally Posted by BlueBimmer View Post
    crush at first love lang ni GS ang girl, never naging sila...well siguro sa panaginip nya

    Whoa! never pala naging sila! I Smell Obsession here!

    If i was in the situation of the girl & her family i would freak out too!

    But who knows if this one is a "real" story now? i am not questioning "gearspeed's credibility" i just want to point out that being stalked & followed around is not funny, So this has to stop!

    Gearspeed You need counselling

  15. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #95
    gearspeed....iba ang pananaw ko....ITULOY ANG LABAN!!!

    mas masarap ang systemang dehado...tapos magwawagi sa huli!!!

    kung mahal mo naman talaga (just like your dream)...everything is worth trying and even dying (as you said in your dream).

    Ang una kong step (hindi ko alam ang buong scenario kasi eh)....maki-hingi ng appointment sa magulang niya just to clear-up your name muna. Mas dapat na maliwanagan ang magulang muna.

    Oo tuloy ang laban..hehe.Ipaglalaban ko talaga yun.Kaya nga sabi ko sa ermats niya nung sinasabi niya na gusto mo ba may papuntahin ako dyan sagot ko "kayo po bahala po kayo."

    panalangin mo na lang na hindi hot temper at walang 9mm ang tatay niya...
    Ilabas na niya yun 9mm ok lang nakahanda ako.Bahala siya.
    Hindi ko siya sinusundan nagkakataon lang nagkikita kami especially nung H.S pa kami tulad ng sa ATC dati na opening ng Tower Records nagkasalubong ko siya.Nung college kasama ko classmate ko na nakasalubong ko na naman siya papasok ng ATC dun sa may starbucks.Yung sa caltex nakita ko van nila nagkataon ulit at dun sa ruins.Kapag dumadaan ako sa BF Homes nakakasalubong ko van nila paminsan minsan.
    Kung makikita niyo lang nung madalas nasa waiting area ako ng school dahil maaga lagi ako dumadating ng school dun pa din siya dumadaan.
    Outlet?
    Madali gawin ang outlet na yan kung may funds erpat at ermat ko.Kung meron man ito na ang mga yung
    - Makasali ako sa Quick 8 sa drag
    - PNTCC race
    - Drifting competition

    Kaya sinasabi ko sa mga kakilala ko na may magagandang auto at nakakasali na sa mga racing na legal at illegal "ang swerte niyo at mayaman kayo.Sana ganyan din ang mga parents ko."
    Parang kapitbahay ko puro pagset up ang gingawa niya sa corolla niya dahil may funds siya.
    Kung makakasama lang erpat ko sa carshow sa Bumper2Bumper II.Dun ko sa erpat ko pinapakita ang pagkadismaya ko sa kanya.
    Kung erpat ko talagang suporta niya ang pagiging racer ko matagal na niya naset up for FULL RACE yung fronte ko o kaya matagal na siyang bumili ng civic.Pero hindi eh nagmumukhang LATE bloomer na ako sa pagset up dahil nga kulang sa funds.Maganda kung bibili ka ng piyeza then susubukan mo.Hindi lang pagresearch.Classmate ko na tinanong ko "bakit ka palit ng palit ng suspension?"Sagot niya "Gusto ko subukan lahat at kung ano ang maganda ang handling."
    Example lang na support na alam ko ay erpat "ayan anak nilagayan ko na ng set up auto mo".Hindi yung "dad tara set up na natin civic ko" or "dad kailan natin papalitan makina ng civic ko".
    Kaya hindi ako nagwowork dahil ilang beses ako naisahan ng dad ko na sinabi niya mag graduate muna ako then mag racing ka na.Pero ano nangyari nagtapos ako at bumili siya ng civic pero wala pa din nangyari.Wala pa din ako sa pag sali sa drag racing o kaya sa ibang motorsports dyan.Set up na naman kami tapos hindi na naman matatapos.Aabutin na naman ng pagtaas ng parts.
    Sabi ko nga sa portfolio ko "I'm not a employee I'm a Racer"
    Kaya dito na lang outlet ko.
    Last edited by gearspeed; November 26th, 2006 at 12:37 PM.

  16. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    287
    #96
    so uv never really gone on a date or went out with her even once?
    your just obsessed man.. thats not love

    border line psycho stalker............

  17. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #97
    Quote Originally Posted by spiff View Post
    so uv never really gone on a date or went out with her even once?
    your just obsessed man.. thats not love

    border line psycho stalker............
    From everything GS have said (in this thread and the other threads he had started), i don't find it STALKING. Yun nga lang, medyo offending ang dating.

    Simply : He's just TRULY, MADLY, DEEPLY IN-LOVE!!!

  18. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,104
    #98
    Madali gawin ang outlet na yan kung may funds erpat at ermat ko.Kung meron man ito na ang mga yung
    - Makasali ako sa Quick 8 sa drag
    - PNTCC race
    - Drifting competition

    Kaya sinasabi ko sa mga kakilala ko na may magagandang auto at nakakasali na sa mga racing na legal at illegal "ang swerte niyo at mayaman kayo.Sana ganyan din ang mga parents ko."
    Parang kapitbahay ko puro pagset up ang gingawa niya sa corolla niya dahil may funds siya.
    Kung makakasama lang erpat ko sa carshow sa Bumper2Bumper II.Dun ko sa erpat ko pinapakita ang pagkadismaya ko sa kanya.
    Kung erpat ko talagang suporta niya ang pagiging racer ko matagal na niya naset up for FULL RACE yung fronte ko o kaya matagal na siyang bumili ng civic.Pero hindi eh nagmumukhang LATE bloomer na ako sa pagset up dahil nga kulang sa funds.Maganda kung bibili ka ng piyeza then susubukan mo.Hindi lang pagresearch.Classmate ko na tinanong ko "bakit ka palit ng palit ng suspension?"Sagot niya "Gusto ko subukan lahat at kung ano ang maganda ang handling."
    Example lang na support na alam ko ay erpat "ayan anak nilagayan ko na ng set up auto mo".Hindi yung "dad tara set up na natin civic ko" or "dad kailan natin papalitan makina ng civic ko".
    Kaya hindi ako nagwowork dahil ilang beses ako naisahan ng dad ko na sinabi niya mag graduate muna ako then mag racing ka na.Pero ano nangyari nagtapos ako at bumili siya ng civic pero wala pa din nangyari.Wala pa din ako sa pag sali sa drag racing o kaya sa ibang motorsports dyan.Set up na naman kami tapos hindi na naman matatapos.Aabutin na naman ng pagtaas ng parts.
    Sabi ko nga sa portfolio ko "I'm not a employee I'm a Racer"
    Kaya dito na lang outlet ko.

    I think, ang kapal ng mukha mo.

    Your dad brought you to this world, fed you and dressed you tapos sya sisishin mo dahil wala kang funds for racing?? Are you out of your mind??? (actually we know that already. hehe).

    When i was struggling to have a computer during High school (we were poor back then because they keep sending me to private schools, UP Diliman lang ang public school na napasukan ko when i went to college, tapos 6 children pa kami so imagine the expenses), i didn't blame my parents. I worked hard to earn my own money to buy my own. By the time na nakaipon na ako ng pambili, they gave me 50K to buy my own PC. Weird ng timing di ba? maybe it's because they saw my patience. Yun naipon ko, pinambili ko na lang ng home theater (since mahilig talaga ako sa audio). I started off like that. I started to earn on my own from 100 pesos. First deal, i earned 14k. "Sweet easy money!" i said. From there, i became fully independent financially even helping with the bills. That means i pay for my everyday expenses including tuition. Now, im not telling you to do what i did (nor i am rubbing it to your face that you are a useless little piece of turd) but i'm just asking you to stop for a moment and realize that you don't have the right to blame your dad (nor your mom) just because you can't race. Heck, ikaw lang ba ang iniintindi nya? Just because he's your dad doesn't mean wala na syang gagawing iba kundi palamunin at gastusan ka. Siempre he's also getting ready pag tanda nya. From the way you behave, im sure, iiwanan mo lang sya so he must be ready for the time na he can't work anymore.

    Graduate ka na pala. Start earning your own money and race on the side. You'll know gaano kasarap gumastos ng sariling kita.

  19. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    1,619
    #99
    Quote Originally Posted by Horsepower View Post
    I think, ang kapal ng mukha mo.
    He's a freak :freak: :bwahaha:

    Jealous of what other people have and then blame your parents for not giving you what you want? Come on! How old are you anyway? Man, What a Lazy Ass!

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #100
    Oo tuloy ang laban..hehe.Ipaglalaban ko talaga yun.Kaya nga sabi ko sa ermats niya nung sinasabi niya na gusto mo ba may papuntahin ako dyan sagot ko "kayo po bahala po kayo."

    -----dude, wala kang dapat ituloy na laban, wala ka dapat ipaglaban, dahil ayaw naman saiyo nung girl eh...in fact meron na nga siyang BF eh...ang ipinaglalaban is kung mero kayong relatioship, or to put it more bluntly is mahal ka rin nung girl tapos agaiants ang parents nun girl sa inyo... eh ayaw nga saiyo nun girl eh, meron nga siyang BF, tapos puro negative pa ang siansabi niya sa parents niya tungkol saiyo...wake up dude!!! ano pa bang laban ang gusto mong mangyari eh, yun babae mismo ayaw saiyo,....


    Ilabas na niya yun 9mm ok lang nakahanda ako.Bahala siya.
    Hindi ko siya sinusundan nagkakataon lang nagkikita kami especially nung H.S pa kami tulad ng sa ATC dati na opening ng Tower Records nagkasalubong ko siya.Nung college kasama ko classmate ko na nakasalubong ko na naman siya papasok ng ATC dun sa may starbucks.Yung sa caltex nakita ko van nila nagkataon ulit at dun sa ruins.Kapag dumadaan ako sa BF Homes nakakasalubong ko van nila paminsan minsan.
    Kung makikita niyo lang nung madalas nasa waiting area ako ng school dahil maaga lagi ako dumadating ng school dun pa din siya dumadaan.

    -----don't take evrything as a sign na you're meant for each other, syempre lagi kayo magkikita nun highschool dahil maliit lang ang HS, everybody knows everyone back in HS... and if you are within the same area or kung pareho area lang naman ang pinupuntahan niyo siguradong magkikita lagi kayo..yun area na nakikita mo siya are ATC, BF homes, etc.. obviuosly you're from that area and she is too, tell me that kung magkita kayo in the middle of nowhere, then I would say na sign yun.....

    Outlet?
    Madali gawin ang outlet na yan kung may funds erpat at ermat ko.Kung meron man ito na ang mga yung
    - Makasali ako sa Quick 8 sa drag
    - PNTCC race
    - Drifting competition

    Kaya sinasabi ko sa mga kakilala ko na may magagandang auto at nakakasali na sa mga racing na legal at illegal "ang swerte niyo at mayaman kayo.Sana ganyan din ang mga parents ko."
    Parang kapitbahay ko puro pagset up ang gingawa niya sa corolla niya dahil may funds siya.
    Kung makakasama lang erpat ko sa carshow sa Bumper2Bumper II.Dun ko sa erpat ko pinapakita ang pagkadismaya ko sa kanya.
    Kung erpat ko talagang suporta niya ang pagiging racer ko matagal na niya naset up for FULL RACE yung fronte ko o kaya matagal na siyang bumili ng civic.Pero hindi eh nagmumukhang LATE bloomer na ako sa pagset up dahil nga kulang sa funds.Maganda kung bibili ka ng piyeza then susubukan mo.Hindi lang pagresearch.Classmate ko na tinanong ko "bakit ka palit ng palit ng suspension?"Sagot niya "Gusto ko subukan lahat at kung ano ang maganda ang handling."
    Example lang na support na alam ko ay erpat "ayan anak nilagayan ko na ng set up auto mo".Hindi yung "dad tara set up na natin civic ko" or "dad kailan natin papalitan makina ng civic ko".
    Kaya hindi ako nagwowork dahil ilang beses ako naisahan ng dad ko na sinabi niya mag graduate muna ako then mag racing ka na.Pero ano nangyari nagtapos ako at bumili siya ng civic pero wala pa din nangyari.Wala pa din ako sa pag sali sa drag racing o kaya sa ibang motorsports dyan.Set up na naman kami tapos hindi na naman matatapos.Aabutin na naman ng pagtaas ng parts.
    Sabi ko nga sa portfolio ko "I'm not a employee I'm a Racer"
    Kaya dito na lang outlet ko.

    -----ito hinde ko masagot kung ano problema niyo ng dad mo, pero ikaw na nagsabi na kulang sa funds ang parents mo, then bakit mo inaasa sa kanila yun luho mo sa racing...then the more na dapat ka na magwork, para magastusan mo yun hobby mo, hinde ba mas masarap yun ginagastos mo sa hobby mo is galing mismo saiyo??? and huwag mo rin siishin ang dad mo kung maging late bloomer ka sa racing, gumalaw ka, huwag mo iasa lahat sa dad mo... ang dapat naman kasi kung meron kang work eh di konti na lang isusuport ng dad mo saiyo sa hobby mo, hinde yun lahat gusto mo sa dad mo mangagaling yun pera...

    GS, walang personalan ito ha, pero the more you post the more na nagiging irrational ang mga sagot mo.

    grow up.....btw, how old are you?

    maraming outlet na hinde kailang gumastos....
    Last edited by shadow; November 26th, 2006 at 01:43 PM.

A Dream that came into reality