Dear Khazpert,
Mawalang galang na po, datapwat hindi ko naman kaano-ano si Kuya Tsikot, ay uunahan ko na po siya sa pagsagot sa iyong katanungan.
Meron po akong konting nalalaman tungkol sa inyong katanungan na talaga namang sa palagay ko e angkop na angkop dito.
Ang aking dating ka-opisina ay natanggal sa trabaho dahil nahuli
po siyang umiinom ng softdrinks habang coffee break namin. Nagbaon ng Coke yung kaibigan ko nuong araw na iyon at sa kasamaang palad, ininom niya ito nung coffee break. Laking gulat na lang namin ng agawin ng aming supervisor ang iniinom niyang Coke at sinabihan siya na tanggal na siya sa trabaho.
Matagal po naming pinagmuni-munihan ang pangyayari, at ang aming konklusyon ay natanggal po ang aking kaibigan dahil mali po na uminom ng softsdrinks kapag coffee break. Sa katunayan po ay nung sinubukang uminom ng softdrinks ng aking kaibigan sa bago niyang trabaho ay wala naman siyang naging problema, yun nga lang, marahil po ay dahil "tea break" ang tawag duon sa nilipatan niya. Siguro po ay pwedeng unimom ng softdrinks kapag tea break.
Totoong pangyayari po ito, ang pangalan po ng kaibigan ko ay si Juan Dimaculangan at sa Pepsi po kami nagtatrabaho. Nawa'y meron po kayong napulot na aral dito. Salamat po.





Reply With Quote