Una, Bakit po ba mayroon ganito sa Pilipinas? Ito po ba ay dahil sa nais talaga nilang ibahagi ang kanilang tamang pananampalataya o dahil kailangan nila ng pera? hmm..mukhang nagawa na ito ng Roman Catholic atbp...
Nung una nais talaga nilang ibahagi ang kanilang tamang pananampalataya..... nung yumaon nilamon na sila ng pagkagahaman nila sa PERA
Pangalawa, Bakit po sila laging nag-aaway-away? Dahil po ba sa sinasabi nilang mali ang tinuturo ng kabilang relihiyon o dahil naagawan sila ng mga taga-sunod at ng donasyon?
Tama yung sinabi mo. Nagtuturuan ng mali at nag-aakay sila ng taga-sunod para lumaki donasyon nila. Pero ang pangit noh kelangan pa nilang mang-away .
Pangatlo, Marami na po silang mga taga-sunod..Kailangan ba talaga nila na magkaroon ng Security Group at humawak ng matataas na kalibre na mga baril??
May karapatan naman ang isang malaking grupo magkaroon ng Security Group. Yung nga lang sa tingin ko sobra na kung may matataas na kalibre ng baril. Siguro takot sila na baka lusubin sila ng mga DEMONYO kaya kelangan nila ng mga matataas na kalibre ng BARIL :D
Pang-apat, Sa palagay nyo po, maganda po ba talagang sumapi sa mga ganitong relihiyon o isa lamang po ito sa mga magandang business na pasukin?
Maganda rin sumapi kasi para may gagabay sa sayo db? Pero ingat lang kapatid dahil sabi nga sa bibliya "Magsusulputan ang mga tao na sinasabi nila na sila'y mga propeta at kawan ng Diyos pero sa kanilang mga bunga iyong makikita kung sila nga ba'y sa Diyos talaga o hindi."
--------
Ako po ay Catholic dahil naniniwala ako sa iisang "Universal" na Church. Kaya kung ikaw man ay muslim, buddhist, Tao, INC, JIL, Baptist, etc. naniniwala po ako na tayo'y magkakapatid at iisa sa Diyos. MAPASAATING LAHAT ANG BANAL NA BIYAYA NG DIYOS!!! AMEN!!!