di ko po nais makipagtalo sasagutin ko lang ayon sa aking paniniwala

Una, Bakit po ba mayroon ganito sa Pilipinas? Ito po ba ay dahil sa nais talaga nilang ibahagi ang kanilang tamang pananampalataya o dahil kailangan nila ng pera? hmm..mukhang nagawa na ito ng Roman Catholic atbp...

Salvation by Gods Grace

Pangalawa, Bakit po sila laging nag-aaway-away? Dahil po ba sa sinasabi nilang mali ang tinuturo ng kabilang relihiyon o dahil naagawan sila ng mga taga-sunod at ng donasyon? Dalawang grupo lang naman ang known na nagtatalo sa telebisyon INC at DD. Iyong isa naniniwala na ang sugo si Supremo Manalo iyong isa ang pinaniniwalaan ang sugo ay si Ely Soriano.

Pangatlo, Marami na po silang mga taga-sunod..Kailangan ba talaga nila na magkaroon ng Security Group at humawak ng matataas na kalibre na mga baril?? Hindi padagdag problema lang sila sa seguridad ng pinas. Pero ang Vatican pinaniniwalaan na me sariling Army. Nasobrahan ata basa ko ng Da Vinci Code.

Pang-apat, Sa palagay nyo po, maganda po ba talagang sumapi sa mga ganitong relihiyon o isa lamang po ito sa mga magandang business na pasukin?Nsa iyo po iyan, binabanggit naman talaga sa bibliya ang ikapu. Ang ika sampung bahagi ng iyong kita ay inilaan sa Panginoon. Dito po faithful ang mga INC pero ang ibang kongregasyon ganoon din naman. Di naman iyan pinipilit conviction na lang ito ng isang mananampalataya.