Bumili ako nung Athens yung parang flipflops lang, mas ok tingnan kaysa yung closed toe. Masarap talaga sa paa, lalo na pag mahabang lakaran, very comfortable. Ako kasi, madalas kahit malling lang or mag-g-grocery, sumasakit either yung heels ko or yung arch ng paa ko, pero so far wala naman akong reklamo pag suot ko yung crocs.


Yung accident sa escalator, madami na ganun, hindi lang sa crocs, dati (waay before maimbento ang crocs) may classmate ako naka espadrills, nakain din ng escalator. Doon sa landing, hindi kaagad siya naka alis, kaya tuluy-tuloy siya sa ipin ng escalator.

Binasa ko yung comments doon sa flickr ni Daphne, dami din reports doon, yung iba skirt ang nadali! Shocks, ok lang lumakad sa mall na walang tsinelas, pero sobrang kahiya kapag iba na nakain ng escalator.