Guys, nothing to afraid of kung ang napag uusapan ay tungkol sa patay.
Kasi sabi sa statistics 10 out of 10 ang namamatay

Kaya pag usapan na din di ba?

Tingnan natin ang ating mga kuro kuro patungkol sa creamation o burial.

Saan kayo pabor sa Cremation o sa Burial? At bakit?

O sige ako na ang una! sa ngayon napagisip isip ko parang pabor na ako sa cremation. Bakit? kasi minsan kapag inaalaala ko ang aking mga mahal sa buhay na pumanaw na ang unang sumasagi sa aking isipan ay ang kanilang pagkakaburol. Mga photos ng sila'y nakaburol, in short litrato ng patay. at ano ang epek nito? medyo malungkot kaagad ang dating, instead na maalala mo siya ng may kasayahan at sigla.

at di ba kung sakaling ikaw naman ang pumanaw, di ba maala-ala ka naman ng anak mo, apo mo na may saya at sigla na puro memories noong ikaw ay buhay pa. Wala silang maala-ala na nakaburol ka di ba so walang lungkot?

la lang ito lang naisip ko...

kaya lang mababawasan ang kita ng mga make up artist.... sa funeral homes