New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 20 of 61
  1. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    300
    #1
    Sino naniniwala?
    May personal experience?
    Trusted/reliable source from a second hand story?

    Sabi nga, matakot sa buhay, wag sa patay.

  2. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    1,408
    #2
    Ako naniniwala. Back in my elementary days naglalaro ako ng toy tractor ko sa garden kasama yung helper sa bahay then bigla na lang umangat yung handle ng gate, pagabi na yun nagpaunahan kami pumasok sa loob lol.

    Then nung first night ng wake ng tita ko, mga 10:00 PM pauwi kami ni mama sa sasakyan biglang nangamoy bulaklak na matapang. We don't use scents kasi bawal samin yun sa allergies. Scary pero alam ko naman mabait tita ko lol.

  3. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    300
    #3
    Ako personal experiences both during my college days.

    Una, di ko nadalaw nung unang gabing burol ng closest tito ko, ako mag isa sa bahay tinatapos ko thesis ko dahil need ko isubmit first thing in the morning deadline, umusal na lang ako ng dasal sabi ko i'm sure maiintindihan tito ko na kailangan ko talagang tapusin kahit umagahin pa ako, past 12am bumaba muna ako from my room para isarado pinto, Nung i la lock ko na main door tapos biglang may kasing lamig ng yelo na kumapit sa batok ko, actually wala sa isip ko na multo dahil di ako naniniwala at alam kong may tao sa bahay, kaya bigla kong hinarap para tignan kung sino, nung wala akong nakita sa likuran ko feeling ko tumayo lahat buhok sa ulo ko sa takot kaya sabay takbo paakyat sa kwarto, LOL.

    Pangalawa, closest neighbor namin si tatang (tawag namin), palabiro, mahilig bumisita sa bahay. Nung nag apartment kaming dalawa ng sister ko na mas malapit sa university, nawalan na kami ng updated news sa bahay. Apartment has 2 rooms upstairs, medyo malaki, tig isa kami sister ko, downstairs sofa at tv lang. Isang umaga, nagising ako maingay sa ibaba, yung sound ng malaking sofa na hinahatak, titigil, tapos hahatakin ulit, yung sound against the floor. Nairita ako sabay sigaw sa sister ko sa may hagdan katabi ng pinto , akala ko naglilinis sa ibaba, "Hoy, [name], pwede bang tigilan mo yan, ang ingay natutulog pa ako eh!". Biglang bukas yung pinto ng kabilang kwarto at sabay takbo yung sister ko sa room ko - "andito ako, wala sa ibaba! Kakagising ko lang din dahil sa ingay ng sofa!". HAHAHA, pareho kaming di bumaba hanggang mananghali.

    Later that day, nabalitaan namin namatay si tatang the previous day. Siguro guni guni lang namin pareho, or binibiro kami ng matanda...

  4. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #4
    Sa dorm ko ng college. Pag mag isa ka room ma mararamdaman mo may naka tayong tao sa gitna ng room naka titig sayo.. ang malala isang gabi. Kinagat ako sa leeg. Kala ko totoo na talaga. Hinawakan ko leeg ko kala ko may dugo. Babae na naka itim na mahaba buhok.. then a few months nagka kwentuhan kami ng room mate ko na driver. May dumadagan daw sa tiyan niya habang natutulog mag isa at babaeng nama itim din na mahaba ang buhok.. hehe. Same lang kami ng discription.. nung nalaman ng mama ko pina lipat na ako ng dorm..

  5. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    1,832
    #5
    Nung high school ako nakakita ako ng naglalakad na anino pero walang tao sa bahay na nilipatan namin

  6. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #6
    Sa unit naman namin. Sa malaking salamin namin may kung anong nakikita akong image ng tao. Minsan may parang dadaan or minsan may parang kamay. Ginawa ko tinapon ko yung salamin at nilagyan ko ng santo yung lugar. Ngayon wala na. Pinalitan ko na lang ng frame ang wall namin na yun.

  7. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #7
    Around 7years old ako naka kita na ako ng white lady sa loob ng bahay namin. Tumagos sa wall. May ilaw pa noon. Nanonood kami ng fathet ko sa sala namin..

  8. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,738
    #8
    Quote Originally Posted by dishcom View Post
    Around 7years old ako naka kita na ako ng white lady sa loob ng bahay namin. Tumagos sa wall. May ilaw pa noon. Nanonood kami ng fathet ko sa sala namin..
    Mukhang may 3rd eye ka. Sori sa non believer ha, naniniwala kasi ako na may tao talaga na ganito.

  9. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #9
    Quote Originally Posted by weisshorn View Post
    Mukhang may 3rd eye ka. Sori sa non believer ha, naniniwala kasi ako na may tao talaga na ganito.
    Wala naman siguro or hindi naman open. Kasi yung nakita kung white lady e marami ng naka kita noon sa lugar namin. Ang tawag nga namin sa kanya e si "white ladying gala"..

  10. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #10
    Last nov. Yung anak kung 3years old.. habang nasa simenteryo kami. Na kwento ng anak ko kung panu na matay yung step dad ng misis ko.. namatay kasi yun sa pag ddrive ng motor.. wala rin naman nag kwnto sa anak ko kung panu yun na matay.. detail niyang kwnto panu yun na accident..

  11. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    202
    #11
    Ako dito sa work sa hospital, kagabi lang nakita ko lumalapit sa akin ang zombie, then nagmadali akong lumabas sakto naman nauntog ako sa my pintuan palabas..
    Nagising ako, hayys salamat naman panaginip lang pala

  12. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,276
    #12
    I also belive in people with 3rd eye.

    Multo nakakita na ako. Nasasapian nang maligno common nung Elem at HS days. Hindi na ako takot dyan. Pero sa multo ayaw ko pa din hehehe

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #13
    i've seen too many. the closest one was just 1 inch from my face.

    and my dreams, pag sa relatives, almost always come true. halos walang mintis may namamatay.
    what is bothering me now is i've been having dreams lately of my uncles and aunt having a party (masaya kasi kami pag may nakaburol, walang umiiyak). kagabi ulit. sino kaya sa 3 natitira pa nilang kapatid? sana naman hindi pa nanay ko.
    Last edited by yebo; February 5th, 2016 at 11:01 AM.

  14. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,623
    #14
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    i've seen too many. the closest one was just 1 inch from my face.

    and my dreams, pag sa relatives, almost always come true. halos walang mintis may namamatay.
    what is bothering me now is i've been having dreams lately of my uncles and aunt having a party. kagabi ulit. sino kaya sa 3 natitira pa nilang kapatid? sana naman hindi pa nanay ko.
    if they were of the right age (for dying), i would be surprised if they didn't die, one after the other..
    'tis but nautral...

    we're probably just paranoid.. looking for an un-natural explanation to a perfectly natural occurence..

  15. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    12,608
    #15
    If you have stayed in Kalayaan Residence Hall in UP Diliman, chances are you have encountered one of the many paranormal activities out there. Most common are the sound of someone showering in the bathroom but there is no running water at the same time, like seeing people jogging just outside the room window on the 3rd floor, seeing someone walking ahead of you taking a turn to the bathroom stalls only to find noone there upon entering the bathroom stall, and many others.

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #16
    hindi ako naniniwala, pero may naramdaman ako one time.

    nasa Baguio kami nung isang technical partner ko. since late na kami dumating and walang booking, we stayed in an old hotel pagpasok pa lang ng baguio from marcos highway. so magkahiwalay kami ng room.

    around 2 am, nagising ako na parang may nakadagan sa dibdib ko. nung tumayo ako, lahat ata ng aso dun sa paligid umaalulong. tapos, pagbalik ko sa kama, parang may kasama ako sa room.

    so dedma lang. nakatulog ata ako ng mga 4 am. tapos kinwento ko dun sa tech partner ko yung experience ko. nalaman ko na at the same time, ganun din ang nangyari sa kanya. so we decided just to share a room..... hehehehehe.

    the following day, ganun ulit, sabay kami nagising..... and hindi na kami nakatulog..... that is the time we decided to check out of the hotel and look for another one na medyo modern.

    pero hindi ako nakakita ng maski ano..... more on the feelings lang. pero sabi nga nila, seeing is believing, so hindi pa din ako naniniwala.

    another kwento.

    yung mga kasambahay ng mom-in-law ko na nakatira sa ancestral house nila, minsan daw nakakakita sila ng mamang matangkad na naglalakad sa garden (huge garden), from their rooms. minsan daw may dumadaan sa kusina na matangkad na lalaki din pag nagluluto sila. tapos pag lingon nila wala naman daw. nung tinanong ko si misis, yung ganung profile daw matches the profile of their lolo (tatay ng mom-in-law ko).

    so minsan natutulog kami dun, wala naman akong nararamdaman.

    pinaka worse experience ko na ata yung sa baguio. kasi, maski sa house namin kung saan namatay si erpats, wala naman akong nararamdaman eh.

  17. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #17
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post

    Sa ganitong case. Hindi naman siguro sir nag mumulto. Hindi ko alam yung term..pero parang may naiiwang energy yung tao sa isang lugar na makikita mo ng pa ulit ulit.. parang sa school lagi kang may maririnig na something. Dahil daw naiiwan doon yung energy ng mga gumagamit ng school.

  18. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    1,832
    #18
    Meron pa , elementary ako , around 5am ihing ihi na ko nagmamadali ako pumasok sa cr biglang inunahan ako ng utol ko, antagal sa cr halos magalit nako then wala pa din nalabas nagulat na lang ako nakita ko utol ko nasa labas ng bahay wala pala tao sa cr. (Multong nanggagaya)

    Sa dating work ko naman yung line leader ko may 3rd eye half lang daw nakabukas, minsan nakakakita sya sa office ng paring pugot, mga multong naglalakad, batang naglalaro, isang beses ginaya din ako ng multo, break time ko nagtaka staff at line leader ko nakita ako nakatayo sa pinto, nagtaka sila sabi nila si sir oh nakatayo diba break time nya nasa canteen yun, pati yung suot nya kahapon yan. Ayun pagbalik ko galing canteen kinuwento sa kin, una nagulat sila then nagtawanan kasi pati daw multo may crush sa akin haha
    Last edited by NiCe2KnowU; February 5th, 2016 at 12:26 PM.

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #19
    i just chatted with my sister. parehas kami kasi na "psycho", lamang lang ako ng konti. she has had the same dream 2x na din. i just hope it does not happen when i'm at work.

  20. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #20
    First night ng lola naming namatay nagbantay ako sa burol niya hanggang 1AM nakaramdam na ko ng antok kaya umuwi na ko sa bahay (magkatapat lang kasi bahay namin) paghiga ko may napakalaking itim na paru-paro kasinglaki ng dalawang palad ko ang pakpak. sa takot nawalang antok ko balik ako sa burol ng lola ko.

Page 1 of 4 1234 LastLast

Tags for this Thread

Usapang Paranormal Activity muna tayo...