New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 61
  1. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    300
    #1
    Sino naniniwala?
    May personal experience?
    Trusted/reliable source from a second hand story?

    Sabi nga, matakot sa buhay, wag sa patay.

  2. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    1,408
    #2
    Ako naniniwala. Back in my elementary days naglalaro ako ng toy tractor ko sa garden kasama yung helper sa bahay then bigla na lang umangat yung handle ng gate, pagabi na yun nagpaunahan kami pumasok sa loob lol.

    Then nung first night ng wake ng tita ko, mga 10:00 PM pauwi kami ni mama sa sasakyan biglang nangamoy bulaklak na matapang. We don't use scents kasi bawal samin yun sa allergies. Scary pero alam ko naman mabait tita ko lol.

  3. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    300
    #3
    Ako personal experiences both during my college days.

    Una, di ko nadalaw nung unang gabing burol ng closest tito ko, ako mag isa sa bahay tinatapos ko thesis ko dahil need ko isubmit first thing in the morning deadline, umusal na lang ako ng dasal sabi ko i'm sure maiintindihan tito ko na kailangan ko talagang tapusin kahit umagahin pa ako, past 12am bumaba muna ako from my room para isarado pinto, Nung i la lock ko na main door tapos biglang may kasing lamig ng yelo na kumapit sa batok ko, actually wala sa isip ko na multo dahil di ako naniniwala at alam kong may tao sa bahay, kaya bigla kong hinarap para tignan kung sino, nung wala akong nakita sa likuran ko feeling ko tumayo lahat buhok sa ulo ko sa takot kaya sabay takbo paakyat sa kwarto, LOL.

    Pangalawa, closest neighbor namin si tatang (tawag namin), palabiro, mahilig bumisita sa bahay. Nung nag apartment kaming dalawa ng sister ko na mas malapit sa university, nawalan na kami ng updated news sa bahay. Apartment has 2 rooms upstairs, medyo malaki, tig isa kami sister ko, downstairs sofa at tv lang. Isang umaga, nagising ako maingay sa ibaba, yung sound ng malaking sofa na hinahatak, titigil, tapos hahatakin ulit, yung sound against the floor. Nairita ako sabay sigaw sa sister ko sa may hagdan katabi ng pinto , akala ko naglilinis sa ibaba, "Hoy, [name], pwede bang tigilan mo yan, ang ingay natutulog pa ako eh!". Biglang bukas yung pinto ng kabilang kwarto at sabay takbo yung sister ko sa room ko - "andito ako, wala sa ibaba! Kakagising ko lang din dahil sa ingay ng sofa!". HAHAHA, pareho kaming di bumaba hanggang mananghali.

    Later that day, nabalitaan namin namatay si tatang the previous day. Siguro guni guni lang namin pareho, or binibiro kami ng matanda...

  4. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #4
    Sa dorm ko ng college. Pag mag isa ka room ma mararamdaman mo may naka tayong tao sa gitna ng room naka titig sayo.. ang malala isang gabi. Kinagat ako sa leeg. Kala ko totoo na talaga. Hinawakan ko leeg ko kala ko may dugo. Babae na naka itim na mahaba buhok.. then a few months nagka kwentuhan kami ng room mate ko na driver. May dumadagan daw sa tiyan niya habang natutulog mag isa at babaeng nama itim din na mahaba ang buhok.. hehe. Same lang kami ng discription.. nung nalaman ng mama ko pina lipat na ako ng dorm..

  5. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    1,832
    #5
    Nung high school ako nakakita ako ng naglalakad na anino pero walang tao sa bahay na nilipatan namin

  6. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #6
    Sa unit naman namin. Sa malaking salamin namin may kung anong nakikita akong image ng tao. Minsan may parang dadaan or minsan may parang kamay. Ginawa ko tinapon ko yung salamin at nilagyan ko ng santo yung lugar. Ngayon wala na. Pinalitan ko na lang ng frame ang wall namin na yun.

  7. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #7
    Around 7years old ako naka kita na ako ng white lady sa loob ng bahay namin. Tumagos sa wall. May ilaw pa noon. Nanonood kami ng fathet ko sa sala namin..

  8. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,741
    #8
    Quote Originally Posted by dishcom View Post
    Around 7years old ako naka kita na ako ng white lady sa loob ng bahay namin. Tumagos sa wall. May ilaw pa noon. Nanonood kami ng fathet ko sa sala namin..
    Mukhang may 3rd eye ka. Sori sa non believer ha, naniniwala kasi ako na may tao talaga na ganito.

  9. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #9
    Quote Originally Posted by weisshorn View Post
    Mukhang may 3rd eye ka. Sori sa non believer ha, naniniwala kasi ako na may tao talaga na ganito.
    Wala naman siguro or hindi naman open. Kasi yung nakita kung white lady e marami ng naka kita noon sa lugar namin. Ang tawag nga namin sa kanya e si "white ladying gala"..

  10. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #10
    Last nov. Yung anak kung 3years old.. habang nasa simenteryo kami. Na kwento ng anak ko kung panu na matay yung step dad ng misis ko.. namatay kasi yun sa pag ddrive ng motor.. wala rin naman nag kwnto sa anak ko kung panu yun na matay.. detail niyang kwnto panu yun na accident..

Page 1 of 7 12345 ... LastLast

Tags for this Thread

Usapang Paranormal Activity muna tayo...