New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 21 to 30 of 44
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #21
    saturday morning cartoons
    mcdo sa angeles city
    ice cream sa clark air base
    tumbang preso
    shato, i got hit sa may near the eye 8 stiches
    bmx race tuwing fiesta
    crispa vs toyota

    pinaka fresh sa isip ko
    nung bata ako galing sa manila ang dad ko
    umuulan noon, bumili siya ng mga paninda, araw araw yun
    (sa umaga tinda sa hapon bili ng paninda)
    lakas sobra ng ulan, putik putik na damit niya, sabi ng mom ko dun na siya
    matulog sa lola ko sa manila pero gusto pa rin umuwi
    dahil dala niya yung pasalubong kong depadyak na kotse!

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    131
    #22
    grade 1.

    quiz...


    pass your papers na..


    di pa ako tapos...


    tingin sa bintana, wala si nanay....


    nataranta...


    naihi sa shorts....


    sabay hagulgol....

    :lol:

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    902
    #23
    "e-mailed to me by a friend"

    BASAHIN NYO PARA MALIBANG KAYO
    It's always nice to look back and smile ...

    Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN.

    Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
    Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;
    Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon.
    10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
    Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.

    Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
    Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
    Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
    Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak.
    Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;

    Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, "sketeng"(scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan); sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.

    Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.
    Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
    May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;

    Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
    Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology .di ba minsan nangarap ka na rin ... mas masaya noong araw!
    Sana pwedeng maibalik..

    Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob . Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara .Na una silang nasasaktan pag pinapalo
    nila tayo.

    Balik tayo sa nakaraan kahit saglit .Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.Noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys. Tayo noon ...
    Doon..Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan; Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pagnanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"

    Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang calculator. Abacus lang ang meron tayo... Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo; lundagan sa kama;
    Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;
    Inaasbaran ng mga suberbiyo ang usansiya;
    Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page. Nai-sako ka rin
    ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon? Pamimili ng bato sa bigas;

    Tinda-tindahan na puro dahon naman, bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ng lukaok, susuwi at espada?
    Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata .Estigo santo kapag nagmamano.
    Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre";Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
    Yung crush mo? Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng-kabayo o biscocho? Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;
    Puriko ang matika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
    Madami pa...

    Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan, ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo, ang duhat kapag inalog sa asin, ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
    Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
    Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon;
    Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? P wede rin sa laylayan...
    May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-is is ka ng desk. Di ba masaya? Naalala mo pa ba?

    Wala ng sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon. Di ba noon... Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?Ito o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?".
    Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao
    batuten.

    Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
    Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa; Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
    Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.

    Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.

    Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!

    Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #24
    I miss my bahay-bahan playmates. Boy, would i like to play again with them now!?

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,355
    #25
    watusi!

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #26
    Quote Originally Posted by Kennon_road
    eto laking probinsiya kasi:

    di na ako nag kinder, di naman compulsary noon,
    miss ko yung nutriban(parang pandesal) tapos palaman ko ay ice cream
    baon ko lang ay 50 cents nung grade one, may coke at sandwich na yun
    tuwing saturday, ligo kami sa ilog, muntik na akong malunod dati
    yung vaccination nung grade one
    yung pumila kami ng ilang beses para makainum ng juice nung grade 2 ako, yun pala
    may pampurga yun, ayun labas lahat bulate.

    paghuli ng salagubang sa bukid, roast namin then kain.

    first na napanood ko sa sina ay grease.
    sinasamahan ko nanay ko na maglaba sa ilog, ako taga palo

    dami pa ah
    Lakay Kennon, mukhang pareho tayo ng generation.

    Nutriban na may kuto-kuto pa, tapos palaman star margarine.

    Ang di ko malimutan eh yung pag-shine ng sapatos.

    Since I grew up near Camp Crame, marami akong kapitbahay na sundalo. Believe it or not Gen. Ver is one of them.

    Every weekend I shine their shoes for about 50 centavos/pair. Sa isang sabado siguro maka ten pairs ako oks na. May 5 pesos na ako which is big back then, may pambili na ng dyolen at tex.

    Also yung mga neighbors kung mayaman, kinokontrata ko yung mga kotse nila na i-wash every weekend, another bayad na naman yun

    Tapos kapag mataas na ang mga bermuda grass nila sa amin din pinapa-trim, racket na naman

    But one incident ang di ko talaga makalimutan eh nung ipinahabol kami nung isang asshole neighbor namin sa German Shepherd niya. Nakulitan sa amin dahil tanghaling tapat ang ingay namin mga bata. Syet... para kaming binugaw na langaw nung lumabas yung aso 8O

  7. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #27
    ang galing dahil sa usapang childhood nalalamn ang mga generation na kinabibilangan natin. :lol:

    naalala ko pa, hinahabol ko pa nun ang truck ng coke para ipalit ung tansan ng mga POG. :mrgreen:

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,355
    #28
    transformers the movie and gi joe the movie... naiyak ako nung namatay si optimus prime :cry:

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #29
    naalala ko nung grade 1 tindi ng sakit tiyan ko tapos tinawag ate ko sabay kami uwi, may nadaanan kaming ilog sabi ko sa ate ko di ko na kaya lalabas na tapos yun na :mrgreen: :mrgreen:
    nood kami lagi ng voltes V at Mazinger Z at Star Rangers kaya lang pinagbawal ni macoy.
    una kong napanood sa sinehan yung kuwatog
    tapos high school uso breakdance galing kong sumayaw :lol:
    nung sumikat din ang bagets, iba iba kulay ng damit ko

  10. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #30
    asaran pag ang isang classmate ay nakapanty lang at walang shorts under her skirt. :mrgreen:

    binabayaran ng mommy para magopatanggal ng kuto. :oops:

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
childhood memories