New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 44
  1. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #1
    wat do u remember of ur childhood? share ur unforgettable memories here including ur pet name/s... :wink:


    ill start...

    mula nuon hanggang ngayon TETEL pa rin tawag sa kin sa bahay pero minsan BAbY pa nga eh. :lol:
    P5 lang baon ko nung kinder ako
    nagwiwi ako sa undies nung grade1 ako :oops:
    sinabunutan ko teacher ko nung prep ako :oops:
    naka knee sock ako lagi
    may bangs pa ko
    ala akong ngipin
    addict ako sa brickgame n family computer ( mario bros, pacman, battle city)
    hinahatid ako ni papa sa motor coz la pa kami kotse nun.

    :mrgreen:

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    291
    #2
    hmm.....bitin pantalon ko nun hehe inaasar akong maka michael jackson





    OT: kayo po ba yung nsa pic sa baba ng name nyo?? may kamukha po kasi kayo eh

  3. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #3
    :lol: tapos labas mejas mo? di ba ang shorts ng batang lalaki nuon, fitted tapos maikli lang? :mrgreen:

    yeah its me, sino?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    79
    #4
    miss ko na yung pinaliliguan ako ni yaya :twisted:

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    46
    #5
    nung bata ako sobrang pikon ako... when i was still in grade school, i went to the province then i played basketball with my cousin... eh natatalo na ko... nainis ako sinuntok ka si ilong yung isang batang nanunuod sa min mag basketball... dumugo yung ilong... tapos yun pala anak ng pulis yung bata... 8O sheesh 8O... buti na lang apo ako ng dating mayor sa province namin :roll: ...hehehe...
    tapos when i was in highschool, nagbakasyon ulit ako sa province...tapos nakita ko yung nasuntok ko nung bata pa ko... mas malaki na siya sa kin... siguro nakalimutan na nya... buti na lang....:lol:

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    142
    #6
    eto laking probinsiya kasi:

    di na ako nag kinder, di naman compulsary noon,
    miss ko yung nutriban(parang pandesal) tapos palaman ko ay ice cream
    baon ko lang ay 50 cents nung grade one, may coke at sandwich na yun
    tuwing saturday, ligo kami sa ilog, muntik na akong malunod dati
    yung vaccination nung grade one
    yung pumila kami ng ilang beses para makainum ng juice nung grade 2 ako, yun pala
    may pampurga yun, ayun labas lahat bulate.

    paghuli ng salagubang sa bukid, roast namin then kain.

    first na napanood ko sa sina ay grease.
    sinasamahan ko nanay ko na maglaba sa ilog, ako taga palo

    dami pa ah

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    291
    #7
    oo gretzy labas medyas heheh hmm...kmukha mo si jeannette lee! yung billiard player na babae korean ata sya...pero american citizen hehe!

  8. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #8
    KG21, di ko kilala un ah. maganda ba? :lol:

    Kennon_road, kwento din yan sakin ng mom ko na nutriban, tanda ka na nga. :mrgreen: peace!

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4
    #9
    yep...tanda ko rin yang nutri ban na yan....isa lang busog na busog na ako.......

  10. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    719
    #10
    panahaon ko pa yang nutriban ah :lol:

    nung elementary ako ang coke eh 10cents ang cosmos 5cents. pamasahe sa jeep 10cents din.

    high school ako Php1.80 ang student meal sa recto. ang balcony sa movie house nuon ay Php1.20. 10pesos lang nuon pwede ng maki pag date sa sine :mrgreen:

  11. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    219
    #11
    wow! nutri bun i havent heard that in a looooooong time, thats about the time na Choco vim na sa bote na bilog. For those who dont know what the heck it is its a chocolate drink by magnolia Haaa. beat that! ........ :D :D :D

  12. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    219
    #12
    ........ but of course there is 8 track casette's :mrgreen: :mrgreen: :mrgreen:

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    142
    #13
    Quote Originally Posted by gretzy
    KG21, di ko kilala un ah. maganda ba? :lol:

    Kennon_road, kwento din yan sakin ng mom ko na nutriban, tanda ka na nga. :mrgreen: peace!
    uy uy ka ka 32 ko lang he he, sabagay tanda na ako ah

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    142
    #14
    saka sa amin pag Birthday ni Former pres MAcoy, libre shorts at tshirt tapos punta kami sa Batac, Ilocos norte para kantahan siya ng Hapi Bday.

    Naabutan ko pa yung may rasyon ng oatmeal at skimmed milk:mrgreen:

  15. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    134
    #15
    Ako lagi napapaalis katulong dahil maldita daw ako nung bata pa.

    1) Kinder na hold-up ako...di ko na tanda kung anong school pinagsayawan namin noon, tapos bigla na lang me sumama don sa babae, isinakay ako sa owner tapos iniwan sa isang place pagkatapos makuha ang mga alahas ko. buti ipinahanap agad ako ng nanay ko ayun iyak ng iyak kasama mga pulis plus ini-interview ako ng mga press,buti daw di ako pinatay or inihalo sa pansit hehehe

    2) Late na nga daw kami bago pumasok , dederetso pa daw ako sa CR, alam nyo na hehehe :mrgreen: Tapos sabi ng nanay ko tinuturuan ko pa daw sya magnakaw kse ayoko pasok ng classroom pag di nya kinuha pinakukuha ko like yung display na baloon sa room namin hehehe. Iniuuwi ko lagi yun

    3) Tapos nung nag transfer na kami sa prov ginagawa kong disposable mga raffled/nylon undies ko kse daw tuwing maliligo kami sa ilog itinatapon ko na pag nabasa.

    :mrgreen:

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #16
    LEGO!

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    291
    #17
    gretzy: yeah mganda yun! i am sure kilala sya ng mga tsikot peeps na mahihilig sa bilyar...

    naalala ko nung kinder ako ayaw ko pumasok pag nde ksama parent ko hehe kelangan upo muna sya sa classroom tpos andun lng sya lagi sa labas ng classroom kung nde iyak ako ng iyak :D

  18. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #18
    G. I. JOE :mrgreen:

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #19
    6 years old: ina abangan kong lumabas ng school yung bestfriend ko para maglaro, kse hindi ako nag kinder. :mrgreen: Pinapasindi na din ako ng yosi ng nanay at mga utol ko. Siempre, kinukutusan din ng utol ko.

    tinutukso din ako sa kapit-bahay naming bungal na kilala sa pangalang THELMA. Tinawag na "THELMAng AG-AG" ng mga utol ko at ng tropa nila. Mukha kseng marumi lagi :mrgreen:

    Ina-abangan kong dumaan yung CRUSH kong si Jennifer. May bestfriend si Jennifer, si Josephine which is crush naman ng bestfriend ko. Sinusundan pa namin sila umuwi, pero di ako nakapag tapat. Minsang ina-abangan namin ng tropa ko ang pag daan nila, nahuli akong umi-ihi sa kalsada. 8O

    Ang laro namin ng bestfriend ko (OBET ang pangalan nya) eh baril-barilan. Sya si Lito Lapid or FPJ, ako naman si Tony Ferrer :wink:

    Ang tukso sa bestfriend ko "OBET PAKBET" ako naman si "A-KONG" chekwa kse :mrgreen:

    Baon namin ng bestfriend ko HON-HON saka Hi-C. Pinapakain ko sa aso namin yung NUTRIBUN na sapilitang binebenta sa school ng mga titser :mrgreen:

    Kinatatakutan ko nung bata ako si "SABAL." laging nakukulong at hilig akong ilagay sa balikat nya at iroronda sa lugar namin :mrgreen:

    Mahilig din akong umangkas kay "TONIng KALBO" sa traysikel nya :mrgreen: hihabol ako ng ate ko kapag tumatakas...

    lagi din akong pinapakanta ng pinsan ko ng "SIMULA'T SAPUL" ni Imelda Papin sa taas ng table

    blah blah blah etc etc etc

  20. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,243
    #20
    mga naalala ko nung little baboy pa ako :lol:

    - magswimming sa tumana kahit na me lumulutang na ebak ng baka
    - mag bike gamit ang aking easy rider
    - makipag sparring sa kalaro "basta wala pikunan" puwede ba yun he he
    - alamin kung sino sa kalaro ang di tule
    - taguan sa ilalim ng buwan
    - barilan ng bunga ng katigbe and sumpitan ng munggo
    - mag swimming sa baha

Page 1 of 3 123 LastLast
childhood memories