so mag-Clusivol na tayong lahat![]()
Originally Posted by chieffy
bro. sisiw ka. nung nanganak misis ko sa makati med 4 years ago, 140k ang total bill. included na lahat.
buti na lang, sagot ng insurance nya sa company nila, kunde patay patay na.
100K for a C-section?! Oh my darn gawrshk! Ganyan na ba rates ngayon?!!!! My wife and I are planning to have a new baby by next year. C-section sya. Putragis, dapat pala dagdagan ko raket ko ng maka-ipon husto!![]()
It's either that or if you're looking for employment, find a company whose HMO covers your wife's pregnancy-related hospital bills, at least partially. ;)
yung mga normal deliveries sa malalaking hospital mga 100k + na yung pf pa nung ob-gyne tapos 50% ng pf ng ob yung sa anesthesiologist tapos may pf pa yung pedia
tsk... 40k nga lang sagot ng medicard eh...eh kung 140k total bill mo...tumataginting na 100k!!!!! argggggghhhh
maybe eventually, by virtue of evolution, women will adapt by laying an egg and hatching them at home B).
This sounds real fishy to me, especially ung "excellent service" sa medical city. A friend of mine was confined there, and he complained to no end about the service -- and he isn't the reklamador type. Here's the kicker: the doctor prohibited him from drinking coffee. Nung breakfast nya, guess what was served?
if you think ang taas na ng cost ng medical treatment ngayon, expect it to skyrocket pag naipasa na ang malpractice bill. hindi lang kasi professional fees ng doctors ang maapektuhan, pati na ang laboratory work-ups and hospital fees
kung gusto nyo ng mura na child birth sa children's medical center sa banawe kayo pumunta. mura lang dun. c-section ng kumare namin 50k, ang normal delivery dun nasa 20k lang. pero mura din naman sa capitol kung sa ward ka pupunta. kaso lang nga hassle sa ward saka syempre pag kapapanganak mas gusto mo ng may privacy at alam nyo na di lang ang baby ang may diaper, pati ang misis naka-diaper at nag-bleed ang tahi di ba.
kami kasi nakagawian na namin sa capitol e, suki. basta may nagkasakit sa capitol ang punta. andun mga suking doctors kasi namin, lalo na ang pedia ng 2 kulit lapit lang sa amin nakatira. last month confined ang isang baby namin dun, 4 days 11k lahat pati doctor's fee saka emergency room. erpats ko heart attack, 170k 10 days na-confine (including 4 days sa icu), bawas na ang medicare dun. sa tingin ko mura na yun for that kind of confinement di ba?
isa pa gusto ko dun may secured parking pwede iwanan kotse kahit ilang araw, although nadale pa din ang 2 mitsu emblem wheel cap ng car ko last time na-confine si erpats.
sa medical world, mga middle class at mayayaman ang nagsususffer sa bayaran
totoo daw to... tinanong ng sister ko dun mga kilala nya doctors and some staffs. biniro nga sya kasi last week sho got hospitalized (fortunately hinde sa cardinal santos..hehe) ang sinabe sa kanya ng staffs dun...ooyy, buti di ka siningil ng 15k sabay tawanan....eh sya wala syang kamuwang-muwang. :D
ano na ba nangyari dito? kinasuhan ba cardinal santos?
Sabi nga ni Chris Rock
"All this talk about eating right, staying healthy is bull, in this day and age, what you need is insurance! Insurance is the difference between dying in a bed or dying on a sidewalk"
hehe
Eh, halos wala namang difference yan sa mga ibang hospitals! bayad muna bago admit. Kahit naghihingalo na yun pasyente. Pwera na lang kung tlagang madami kang pera.
langya kinabahan ako dun sa 100k + para sa C-Section ah. dalawa na anak ko at parehong sa San Juan de Dios ipinanganak, normal delivery at private room (3 days), 30K lang binayaran ko lahat-lahat. tesbu ulit si misis......... sa San Juan de Dios na lang ulit sya manganganak or sa Our Lady of the Pillar Imus. can't afford ako sa 100K bill![]()
Originally Posted by gel_salazar07
sa UERMMMC hinde naman...within 24hrs pa. FYI.
uermmc den kame nagpapaadmit. Kahit mga pinsan ko at ate ko sa St.Lukes at Med City. Besides being a semi-private hosp. mas mura dun compared sa hospitals mentioned.
ayaw ko lang sa uermmmc yung ER nila...parang kubeta, puro tiles. :D
Eh kung ala kang budget di mo na rin papansinin yun tiles na ER nila. Importante ma-attend yun patient nila