May mga gay friends ako pero yung paminta at alpha gays ba ang tawag sa mga gay na mga Managers? Hehehe hindi sila bakla magsalita, kung manamit din lalaki pati ang posture pero ang preference sa relationship same din nila na paminta..
Yung gay friends ko hindi sila magkakaibigan (nakilala ko sa iba't ibang pagkakataon/panahon).. Ang nakakatawa pa nga, nag-set ako minsan ng outing (kasama ibang common friends namin) ni-invite ko yung dalawa.. Akala ko since close friends ko sila, same sila ng preference at meron sila sense of humor, mag-click din sila kung paano sila nag-click sakin.. Pero hindi, natapos na lang ang outing na hindi ko sila nakitang nag-interact.. At napagod ako, kasi kailangan ko sila asikasuhin.. Minsan yung isa kasama ko, minsan yung isa naman.. Hindi ko na inulit.. Ang awkward nila sa isa't isa.. [emoji28] Sa "The Circle Hostel", Zambales yun.. Yung tulugan na, nag-tent yung isa, yung isa naman katapat ko ng tulugan.. Magkahiwalay pa din.. Hahaha [emoji23]
Then sa office, may long time crush ako na paminta din.. And hanggang ngayon pinipilit ko pa din maka-move on sa kanya.. Simula kasi nung pandemic, naging extra close kami to the point na sobra na ako na-confuse.. Nung una akala ko hindi mahuhulog ang loob ko sa kanya, kasi nga ang linaw na bakla sya hahahaha [emoji23] bukod dun magaling ako mag-control sa damdamin ko.. Pero nagkamali ako, huwag pala china-challenge ang galing sa pag-control ng damdamin.. Akala ko madadaan lang sa biro, pero di pala..
Ano kaya tawag sa straight na nagkakagusto sa gay? [emoji23] [emoji23] [emoji23]