
Originally Posted by
anonemus
Happy Palm Sunday!
Wala sa ayos talaga yung isang restaurant na ito dito sa Quezon City! Di ko na lang babanggitin ang name baka sumikat pa. Nakiusap ako sa waiter kung pwede maki-connect sa wifi nila.
Sabi ba naman sa 'kin, UMORDER KA MUNA, sir .So naisip ko nakakahiya nga naman maki-connect nalang basta kaya umorder ako at kumain.
Di ko na nakita ulet yung crew, kaya nang may dumaan na ibang crew tinanong ko anong password ng wifi nila, abay sagot sa 'kin UMORDER KA MUNA, sir. Nagtimpi ako kahit galit na galit na ako talaga! So, umorder nanaman ako ng ice tea. Nawala na naman yung isang crew.
Ginawa ko - sinadya ko na ang manager at tinanong ko anong password aba'y ang sagot e UMORDER KA MUNA, sir. Tinalikuran ko nalang yung manager baka mapagsabihan ko pa.
Nagmamadali akong lumabas ng pambihirang restaurant na yun.
Nung palabas na ako sa pinto nakita ko sa may pinto ng restaurant...
WIFI PASSWORD: "UMORDER KA MUNA"
-- Happy holidays!😊