- Bakit pagnagtatanong ka ng directions, nguso ang ginagamit panturo. (labo talaga)

- Pag "peace be with you" sa mass... parang tango lang ng tango eh diba dapat buong-puso yan sinasabi tapos naka-smile

- Ang hilig pang maki-usi... kaya ayun lumilikha tuloy ng traffic o kahit anong perwisyo... (eg) pag may banggaan sa kalye hihintuan muna para makiusi... (haay.. labo)

- Di ko lam kung pinoy lang gumagawa nito pero bakit kapag brokenhearted... mas gustong-gusto makinig ng sad love songs, joe d' mango at doctor love. (anlabo talaga... malungkot ka na nga lalo mo pang gagawin mahabag-habag sarili mo) haha!

** pero nagawa ko na yan before... funny talaga... may paiyak-iyak pa akong nalalaman... eh ako rin naman ang gumagawa ng paraan para lalo ako maging malungkot. haha!