Pagtanggal ng algebra, trigonometry, chemistry sa school ipinanukala
IPINANUKALA kahapon ni House Minority Leader at Sorsogon Rep. Francis ‘Chiz’ Escudero na rebisahin ang kurikulum sa elementarya at sekondarya sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga paksa, kabilang ang Algebra, Trigonometry, Chemistry at iba dahil hindi nakakatulong sa paghahanap ng mga mag-aaral ng trabaho sa hinaharap.
Sinabi ni Escudero, secretary-general ng United Opposition (UNO), na dapat simpleng arithmetic na lamang ang ituro sa mga mag-aaral at hayaan ang mga estudyante sa kolehiyo na matuto ng mga kumplikadong paksa sa matematika at siyensa na konektado sa kanilang kurso kasabay ng pagbasura sa pagsasaulo ng table of elements sa Chemistry.
Naniniwala si Escudero na lubhang kuba na ang mga estudyante sa pagbubuhat ng sandamakmak na textbooks at masyadong mahaba ang pananatili nila sa eskuwelahan.
“Panukala lamang naman po ito na hangad naming pag-aralan, may mga paksa na hindi naman talaga konektado sa paghahanap ng trabaho. Bakit natin pinahihirapan ang mga estudyante?” tanong ni Escudero.
************************************************** ******