New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 61
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #1
    Anong nangyari na kaya sa Terminal 3 na ito. Ganda pa naman ng binabalita nilang design at serbisyo. Hanggang nyayon di pa binubuksa, more than a year na bka nabulok na iyon ah

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,526
    #2
    di ba may kaso pa? yung kasi ata is void yung contract nung contractor (a german company, i forgot the name...not sure..) di pa ata na-reresolve yung built operate transfer scheme nung gumawa.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #3
    di daw nasunod yung nasa contract na dapat gagawa ng connecting tunnel sa terminal 2.
    gawa na nga yung terminal 3 kya lang wala yung tunnel. bawal naman tumawid ang mga pasahero at buses sa gitna ng runway.

    maglagay kya sila ng overpass? :bwahaha:

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #4
    ganda sana ng plano nila roon dahil ginawa yatang mall ang waiting area ng Terminal 3. Pede atang magpa despedida party doon kung gusto ng pasahero dahil maraming restaurant na itatayo.

    Tapos ang mga miron doon na sa malamig maghihintay unlike sa NAIA 1
    Last edited by qman; June 11th, 2004 at 12:31 PM.

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,464
    #5
    wow! philippines!

  6. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #6
    nasa international court na ngayon iyan;

    inumpisahan ata ang BOT scheme panahon ni Ramos tapos napunta kay ERAP at nabuksan ang baho ng transaction ni GMA;

    hindi pala financially viable ang pinoy partner ng Fraport (german firm) sa BOT arrangement kaya di pumasa sa basic reqmts ng Build-Operate-Transfer scheme; syempre daming datung nakuha mga alalay ng past administrations dahil illegal nga ang pagka-award sa BOT;

    di pa tapos iyang construction kasi me commissioning + hand-over pa yan; sabi 2 years pa kung magresume ang trabaho agad; kailan naman mase-settle ang kaso sa intl court?

    meantime ang NAIA 1 palasak na ang mga basic services like water & sewage systems; mabaho na at di napaflush ang toilets tapos ang sikip ng airport talaga maliban sa gate departure areas;

    panay imbita natin ng mga turista di naman presentable ang airports natin; hindi magandang impression para sa kanila at tyak ikakalat nila iyan dahil lang sa airport sa pinas na di na matapos tapos dahil sa kabobohan at katakawan ng mga nasa poder;

    saan ka ba talaga pupunta JUAN DELA CRUZ??

    dyaheeeeeeeeeeeee!!

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #7
    haha tumpak ka dyan ang NAIA 1 lahat ng lounge nila eh madalas walang tubig.

    Tapos iyong miascor lounge pa me TV at DVD player pero ang pinapalabas pirated na VCD... hahahaha

    Tapos iyong Lounge na ginagamit ng Gulf Air ang mga attendant ang lakas mag discrimate sa noypi. Pagka pinoy ang mga bisita nila tatlong bote lang ng alak ang nilalabas pero pag me dumating na maputi ang balat lahat ng bote ng alak nila nilalalabas.

  8. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #8
    wow, buti ka pa sir qman nakalusot sa mga aroganteng pinay staff dyan sa nga lounge nayan;

    masyadong maliit ang tingin sa pinoy kaya dapat sa mga iyan sinisibak kung hindi man bitayin patiwarik sa edsa shrine!! produkto ng bulok na kulturang "feeling western"; di naman bagay; belat nyo!!

    ako napahiya dyan kaya nagcomplain ako sa airline na member ng star alliance; ang sagot sa akin masikip daw talaga ang lounges at nakikihati lang daw sila sa ibang airlines;

    dyaheeeee..

    paging tourism secretary: nagsasayang lang kayo ng advertising costs dahil inconsistent ang pamamalakad nyo ng policies to really improve the tourism industry of this country.

    divert these budget to help improve our airport facilities; your system is like somebody having toothbrush before eating bagoong!!

    wala kayo sa hulog..

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #9
    Quote Originally Posted by tagalnasaabroad
    wow, buti ka pa sir qman nakalusot sa mga aroganteng pinay staff dyan sa nga lounge nayan;

    masyadong maliit ang tingin sa pinoy kaya dapat sa mga iyan sinisibak kung hindi man bitayin patiwarik sa edsa shrine!! produkto ng bulok na kulturang "feeling western"; di naman bagay; belat nyo!!

    ako napahiya dyan kaya nagcomplain ako sa airline na member ng star alliance; ang sagot sa akin masikip daw talaga ang lounges at nakikihati lang daw sila sa ibang airlines;

    dyaheeeee..
    di mo rin sila masisi bro kasi me mga noypi na sabik na sabik sa libreng alak o beer at sa lounge o eroplano na talagang nilalaklak o inuubos ang naka display sa lounge o request ng request sa stewardess hanggang sa malasing. ONe time nga me nakasabay akong pasahero sa lounge palang lango na inaway pa ang isang steward eh di pa nalipad so tinawag ang security at di pinasakay at kinulong sa airport. Iyong mga kasamahan na di pa masyadong lango nakasakay naman pero gumanti sa airline sinira ang upuan ng lumapag sa NAIA.

    Sorry OT na.
    anyways good at bubuksan na ang terminal 3 dahil iyong terminal 1 laging punuan ang immigration haba lagi ng pila.

  10. Join Date
    May 2004
    Posts
    659
    #10
    Oo nga naman! Pag-bumibisita ako, ang problema ko talaga ay kapag dumadaan ako ng NAIA-1. Sometimes naman kasi mahirap makakuha ng PAL. The last time I was there, disappointed lang ako na sa tagal na ng mga tagapamahala ng airport, ang sistema ganon pa rin kagulo sa NAIA 1. Napakahaba ng linya sa immigration. Nanakaw pa lahat ng mga pasalubong ko at kailangan pa sumakay ng taxi for transfer to TERMINAL 2 ng PAL for Davao. Nabigyan ko ng short lecture yung taga-Department of Tourism about these inconvenient transfers na hindi man lang nila ma-facilitate. Sinabi ko: "kung alam lang ninyo kung gaano kapagod magbiyahe for 16 hrs sa eroplano, tapos pagdating sa Manila ay dadagdagan pa ng problema!".

    Nang dumating ako sa DAVAO, mas maganda at mas bago pa ang AIRPORT! At may kalakihan din at modern ang design...he he he..sabi ng driver namin na bago lang pala ito napabuksan at si GMA pa ang nandoon. Kung pwede na lang sana na direct flight na lang DAVAO from NYC or LA para walang hassle or maski mabuksan na lang itong TERMINAL 3 para ok na rin.

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Airport Terminal 3