Wala talaga appeal.. Hehehe [emoji16] tinapos ko lang muna episode 1. Mukhang tatapusin ko ito, 6 episodes lang tiyagain ko na panoorin..
Superb ang background.. Very good sila dun.. kudos kung sino man assign sa part na yun! [emoji1320][emoji1319][emoji1316]
Yung story, nakakatuwa lang yung term/references sa Filipino folklore.. Pero ang cliche ng "propisiya" hahahahahaha [emoji23]
natawa ako sa giant choc nut, parang gusto ko yun.. Hehehe [emoji41]
Sinubukan ko yung Filipino, English and Japanese audio.. Yung English nakakatuwa, tonong Pinoy English. Yung sa lead character lang ang pina-sosyal.. Hehe Yung sa Filipino, di ko type yung boses ni Lieza Soberano.. flat, parang same lang ang tone sa lahat ng emosyon.. parang tood.. (excuse lang sa fans ha, based lang naman yan sa pandinig ko baka iba lang talaga dating sakin).. Kapag Japanese gamitin na audio, biglang aangat ang tingin nyo.. Magmumukhang anime nga ang dating.. [emoji41]
Sa animation naman.. Para sakin more on US cartoons ang style niya (hindi Japanese anime).. Habang pinapanood ko ang naiisip ko, combination ng MIB and Avatar: Legend of Korra.. May mga part na kulang, pero para sakin ang laking improvement na nito pagdating sa animation na gawa ng Pinoy..
Sa sound effects naman, may scenes na generic.. lagi ko naririnig yung sound effect na yun.. sa fight scenes..
Yung range ng colors na ginamit more on black, gray, purple, blue and grayish brown, lagi dark ang scenes.. Pero not as dark ng Batman cartoon series.
Curious pa din ako ituloy baka naman may twist ang "propisiya" [emoji23]




Reply With Quote


