Quote Originally Posted by Tha_Mann View Post
yung sa scene na binigay ba ni Virus yung ballpen nya kay Rancho? hehe. Sep 5 pala bday mo parang naumpisahan ko nga dati yung Ghajini pero hindi ko natuloy. yung isa pa nakaka iyak na movie ni Aamir eh yung Taare Zameen Par (titled Like Stars on Earth internationally).

Baahubali - na recommend nga ito ng Indian officemates ko dati pero hindi ko pa napanuod. try ko nga this weekend.
Yung coma pa si Raju after nya tumalon sa building tapos sinusubukan nila magising.. Nung sinuot ng nanay nya yung bagong Sari at gusto nya ipakita kay Raju.. Yun talaga dumudurog sa puso ko dun.. Habang tina-type ko ito ramdam ko ulit yung pain ng nanay ni Raju.. [emoji3064]
Naiyak nga din ako dyan sa "Taare Zameen Par".. Yung part na dumalaw yung tatay sa teacher para sabihin na nagki-care sila.. Ano ba meaning ng "care" and nung ending nung sa painting.. Yung iba pang movies na napanood ko na "Lagaan", "Dangal", "Secret Superstar", "Dhoom 3", "Thugs of Hindostan", "Talaash".. Hindi pa uso Netflix nung napanood ko mga yan except sa Lagaan and Talaash.. Na-enjoy ko din yung movies na yan pero hindi sya tagos sa puso (walang "sepanx" yung uso ngayon na term).
Yung Baahubali, recommended din ng Indian officemate ko mga 2-3 years ago.. box office daw yan sa sinehan sa India pinilahan daw talaga.. Buti available na sa Netflix, pwede na ulit panoorin..