ang ganda ng sentra niyo sir,
Thanks :D kaso nabenta ko na sya.
Wag ka papayag na 5K sa banawe sa cardiz st ako bumili na surplus. yung tindahan ng surplus na may katabing canteen at front cut surplus. 900 nga lang ata kuha ko tapos 250-300 lang ata labor. bili ka na lang ng PS fluid pang dagdag. pag nagawa mo yan, gagaan ang PS mo. isa pa, yung PS fluid na bumabagsak sa pang ilalim mo, sisirain nya mga rubbers ng suspension mo, mga steering clamp bushings at kung ano ano pang bushing kapag nababad sa langis. kaya paayos mo agad.
pero sir may iba pa bang pwedeng maging sira yun? or yun lang tlaga? may iba na po kayang naapektuhan yon? kasi mga 2 months na po siyang ganun eh,![]()
kasi sabi sa petron need daw ng compressor para magawa (?)so baka PS pump yung nkita nila?
![]()
sa banawe mo dalhin. kaw na din nagsabi wala ka alam sa oto at baka na-sense nila yun. sometimes we have to mask our ignorance. no pun intended.
Cardiz St sa Banawe. If along Banawe ka, ang landmark is yung Metrobank na katabi ng Fe del Mundo Hospital. Tapat sila ng back entrance ng Fe del Mundo Hosp. Mura surplus nila, kahit sa 03 Camry ng lolo ko nakakakuha ako pinaka murang mga parts dun. Pati modelong mga oto meron dun (chop chop LOL) hehe
1.3K ata
900 yung PS hose. 150 labor tapos bumili lang ako extra ATF para ipang-dagdag sa reservoir.
Madali lang ba mag-ayos nito, Basti? Parang ang sarap gawing project car, ang mura kasi ng acquisition cost -- under 100k.![]()
Nagka-karambola sa Katipunan Ave.
dahil sa isang B_ngag na driver
happened to our van
and to some other victims
Vios
Jazz (total wrecked front suspension)
+B13 Sentra and a tricycle not shown in the photos.
because of this
BV!
Naku sir...napasama ka pala sa accident na yan...Nanews rin yan AFAIK...Pasalamat narin sir kasi yan lang damage sa van ninyo...
yung Altis. Ad*k yung driver hehehe... actually ang istorya, may nabunggo syang tricycle. hinarang sya, umatras sya, may nasagi syang sentra na nakapark (under repair na nakapatong lang sa hollow blocks, walang mags/tires) then nalalaglag Sentra sa ground, then FULL THROTTLE nyang binangga ang tricycle na tumilapon sa amin ("drive it like you stole it" mode na sya) binunggo nya yung Vios while papalabas sa katipunan and then sinalubong yung jazz sa lakas ng impact tumilapon sa center island yung Jazz tapos sya bumangga sa concrete piping.
at wala silang comprehensive insurance lahat. Pinaka-kawawa yung Jazzdurog na pang ilalim, hindi na nakatakbo ulit.
mukhang adik nga talaga yan, nag aamok sa kalye at kawawa naman yung sentra tsk tsk, ginagawa na nga, lalo pa nasira,
Prior to that. A night before our incident, may binunggo syang 2012 Land Cruiser Prado pero na-areglo daw na magbabayad, nakita namin pics kasi yung rumesponde na pulis, nakilala agad yung Altis kasi kaso daw nya kagabi. Btw, Doctor yung driver ng Altis, from St. Lukes/NKTI.
Grabe, wala nga sa hulog yan sir...naturingang doctor na bumubuhay...tsk tsk...lasing ba sir? or totoong high talaga?