
Originally Posted by
aRTie
Naka-pag pa PMS na ako twice thru Yojin3 and i can say na it's generally a good experience.
Meron silang checklist kung ano yung gagawin sa kotse mo for each schedule, detailing pati yung brand ng oil na ilalagay. By appointment yung twice na punta ko so dumating lang ako few minutes before yung sched ko and in-accomodate naman agad. After nung service, SA even gave a detailed account kung ano ano pa mga ginawa, like mga bolts na hinigpitan, etc. They even gave our ride car wash everytime pumupunta kami. Free lang lahat. Papasok and lalabas ka sa service center na walang ilalabas na pera. Nahihiya lang ako kasi i wasn't even able to give tips dun sa mga nag handle nung kotse, di ko na kasi nakita kung sino sino yung gumawa.
Mejo mahigpit lang sila sa terms under Yojin3. Dapat on time ka magpapa-service. For example 6 months PMS, 1 to 2 wks before 6th month nung kotse, kailangan mong makapunta, pag lumampas ka sa sched, kailangan mo na bayaran yung service. Hindi rin pwede magdala ng sariling oil kung ayaw mo yung gamit nila.
Few days after we bought the car, marami akong inquiries and maasikaso naman sila, atleast with my dealer sa Alabang. Siguro mga 3 times pa kami bumalik sa casa after buying to test drive other vehicles, para lang i-check kung ganun talaga yung behavior ng kotse, and in-accommodate naman nila lahat ng concerns namin.
As for repairs, hindi ko pa masabi what is covered by Yojin3 warranty since last year lang naman nag start yung program, di naman masisira agad yung sasakyan within 1 year unless lemon. Pero definitely hindi kasama sa 3 years yung consumables, like battery and yung normal na may wear and tear like yung mga pang-ilalim
Sorry for the lengthy post