Quote Originally Posted by kimot View Post
yes sir gumagamit ako (backread ka) minsan pinagsasabay ko yung GPS sa HU at waze , sa ac vent po nakalagay yung phone ko. ayaw ko rin kasi na may humaharang sa windshield.

gaya nga ng sabi ko during emergency situations. example? pano kung kelangan mo imaneuver yung sasakyan mo dahil biglang may sumingit? habang iniikot mo yung manibela imbes na magrab mo yung steering wheel tumama yung kamay mo kung san nakalagay ang tablet mo?

isipin mo rin sir kung baket di naglagay ang mga car designers/engineers ng screen dyan sa steering wheel.
Haha pasensya sir di na nakapag backread.
May point kayo mga bossing dun sa mga designers/engineers. Pero naisip ko kaya wala pang design na ganun dahil mahaharangan ung panel sa likod ng manibela pag may GPS sa manibela. Para lang pala same tayo ng vinivisualize, check niyo ung attached photo.
dashboard-vios.jpg

Tungkol naman dun sa emergency situations, tama kayo sir mas safe talaga na walang nakalagay na anything sa manibela..
Kaya ko lang naman talaga kinonsider ung sa steering wheel kasi ang daming disadvantages nung mga ibang pagppwestuhan eh.
Pero shempre number 1 priority ang safety talaga. Salamat mga sir sa mga reply niyo!