
Originally Posted by
yubby24
Galing kami ng Misamis Occidental August last year.
Longest drive is going to Matnog. May fastcat sa Matnog port pero ang daong mo is either San Isidro o Dapdap.
Pagdating namin ng San Isidro ng 7:30PM, dumirecho kami ng Calbayog at doon nagpalipas ng gabi.
Yung daan sa Samar siguro maayos na ngayon dahil nung pauwi kami ng September, halos tapos na lahat ng reblocking doon.
Puro day trip kami kasi habol namin yung sight-seeing. From Calbayog, direcho kami hanggang San Ricardo pero Montenegro lang ang RoRo doon.
Kung FastCat ang habol mo, sa Liloan ka sasakay ng FastCat papuntang Lipata port.
Nasa 6k pala inabot ng gas ko back and forth so baka mas konti lang sayo since Surigao ka lang. Mobilio pala dala namin noon. 5 pax plus bags tapos pauwi dumagdag ang mga prutas.
Also, prepare a photocopy of your OR/CR para sa RoRo. Get enough sleep prior to your trip.
Safe trip po.