Maayos at Safe ang daan.. Pakiusap lang sa mga ibang motorista dito lalo sa mga baguhan na gusto sumubok--Mag-ingat sa pagmamaneho at huwag nagmamadali.. Yung iba kasing nagmamaneho dito sa bilis at di kabisado ang daan nang-aagaw na ng linya lalo sa mga kurbada tapos yung iba naman nag-oovertake ng alanganin tapos nabubulaga kapag biglang may makasalubong.. Siguraduhin ding kundisyon ang mga sasakyan dahil may kataasan ang mga paahon.. Minsan akong dumaan dito at may Van(Toyota Hi-Ace Commuter) akong hinahabol at binubusinahan dahil malakas yung tagas ng langis sa sasakyan nya eh akala ata nakikipagkarera ako ayaw tumigil ayon naubos ang langis sa makina.. Nung sinilip ilalim natanggal turnilyo sa oil drain..