bumili kami ng 2 gulong sa kilala naming shop, naghahanap kami ng bridgestone kaso wala stock so nag suggest sila ng Westlake tire. Mapagkakatiwalaan naman si manong kaya go na kinuha namin yung tire, so far so good naman makapit, masarap pakinggan sa tenga tunog ng gulong, ganda ng grip nya, then after 6 months pinalitan na din namin yung gulong na luma sa likod, bumili kami ng bagong gulong na westlake tapus pinainstall namin sa harap tapus yung gamit na nilipat sa likod, ayos bago na lahat.

ang nakakainis lang, yung isang pinalitan naming gulong na one day old lang e kinabukasan flat na nsa 17 nalang hangin nya, 30 kasi ako pagnagpapahangin, so binalik ko kay manong, ayun naman pala may tagas sa gilid ng gulong hindi masyado nadikit, so ginawa nila inayos nila ulit, sabi ko hindi ba pwede palitan yan? sabi nila ayos naman daw di lang nadikit masyado sa mags. so after 15 mins ok na, go na niratrat ko ng 200 km. sabi ko ok na toh,
then after one week, FLAT na naman yung tatlo na kasama nya busog pa sa hangin. ano ba dapat kong gawin.
Paayos na naman kay manong? or dapat nilang palitan?