badkuk,

I own a Kia Rio RS 2001 and I find it easy to drive and steady naman siya. Lagi ko tong biyahe sa North (Kalinga and Baguio) every now and then at ni minsan eh hindi pa naman tumitirik.

Katunayan nasa 115K na yung kotse ko at matatag pa naman din hanggang ngayon. Siyempre, dahil medyo gamit na gamit na, pag 120KPH na siya sa expressway eh nararamdaman mo na medyo nanginginig na yung body which is normal sa mga compact cars...

Dati sabi ko ayaw ko sa Kia kasi sa masamang history ng Pride pero mukhang quality car naman na yung Rio kung ako ang tatanungin. Malakas pa din naman yung hatak ng kotse at kaya pa din makipag karera sa highway pag gugustuhin. Basta maganda naman siguro maintenance katulad ng kotse ko na religiously nasa casa sa araw ng PM or maintenance eh ok pa din.

Ang isang bentahe ng Kia pa eh mas mura yung parts niya at available naman sa casa lagi. medyo mahal lang na experience ko eh headlight kaya naghahanap din ako nito sa labas.

overall, very satisfied ako sa naging performance ng Kia Rio ko so far. walang problema sa hatak (i tried 6 people going up to Baguio) at stability ng body niya. of course, medyo walang pogi points kasi nga sa naging image ng Kia noon pero i recommend this car based on experience...