i hope the EB went well. medyo nagipit ako sa oras kaya hindi na ako tumuloy. hindi pa rin naayos yung brakes ko. mukhang ok pag pa-abante ang braking pero delayed/mahina pag pa-atras. mahina ang suction ng vacuum dun sa may brake pedals, malakas naman dun sa may alternator. nirekta yung hose pero ganun pa din. parang may item pa na dinadaanan yung hose between alternator and hydrovac. located ito dun sa kick panel ng pasahero sa harap, sa may bumper. wala ito sa diagrams ng manual.

duda ng mekaniko ko, yung hydrovac na ang problem. in case yung nga, hindi kaya magka-issue dahil mahina ang vacuum suction niya sa may brake pedals? ano kaya yung extra device sa likod ng kick panel?

thanks sa lahat ng tsikoteers. please allow 2 weeks para na scan ko yung manual, medyo busy ngayon.