Quote Originally Posted by joshua_ching View Post
Eto at update ko lang ang ating forumers sa latest happenings sa aking Carens, EX - CRDI-VGT Vulcan Red 2008. The last 8 months eto ang mga ginawa:
1. Palit ng battery (2nd time), 1st at 60,000 kms, 2nd, 115,000.
2. Palit ng tires - 1st nuong 70,000 at 2nd 110,000 kms - di maganda ang Kuhmo kung may gagamit nito. PInalitan ko this time ng Bridgestone
3. Palit ng Stabilizer linkage (all 4 wheels) at left wheel bearing sa front at 110,000 kms
4. Bukas pupunta ako sa Casa para magpapalit ng TIMING BELT. Finally papalitan ko ang timing belt ko at 116,000 kms.

*papatignan ko tuloy kung bakit nawawalan ng langis ang engine ko, kasi baka may butas ako somewhere sa oil pan or kung saan man sa ilalim. Di naman kasi nagsusunog ng langis ang makina ko at okay naman ang compression. Kaya yung langis e pumupunta "someplace" ng di ko alam.
sir, ano pong bridgestone ang ipinalit mo? yung sa akin kasi good year na duraplus, ang ingay!

bakit left wheel bearing lang ang pinalitan sir? ano po symptoms?

pa-update na rin po sa timing belt replacement

thank you!