Quote Originally Posted by vicman View Post
Tsk!tsk!tsk!....mukhang bye bye na talaga kami sa KIA Carens hindi nanamin kaya ang 1.2M..sayang...hanap nalang ng iba may be Nissan Grand LIVINA...
Sana yung top of the line ng Nissan Grand livina ang bibilhin ko, pero parang mas gusto ng loob ko at ng misis ko ang Carens. Kung isasama mo kasi ang costs ng LTO at Insurance sa Grand Livina, ang price ay katulad din ng Carens CRDI LX AT!! Mas maganda ang interior ng Carens sa Grand Livina (pero depende ito sa tumitingin. Mas naduduling ang iba sa Carens, at ang iba naman ay sa Grand Livina). Ang ayaw ko pa sa GL ay tatlo lang ang kulay!! Sa Carens ay marami kang pagpipilian. Saka walang CRDI ang Livina...mahal na ang gasoline!! Walang roof rack ang Livina pero puwede namang palagyan at extra costs. Kaya pag pinagsama-sama mo ito pareho din, at aabot ka din ng P1.15M.....kaya eto sa Carens nag-end up kasi:
1. Mas malaki at maluwag
2. Mas matipid ang CRDI 2.0
3. Mas comfortable ang loob, lalo na sa long driving...sayang walang cruise control
4. May kula pula
5. Mas magandang pakinggan ang "Carens" sa "Livina"...sosyal ang Carens, ang Livina ay parang katulong...he he he...joke joke lang...