New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 168 of 262 FirstFirst ... 68118158164165166167168169170171172178218 ... LastLast
Results 1,671 to 1,680 of 2611
  1. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    52
    #1671
    ^ thanks sir rna800...

    pls continue sharing your experience with your dmax...atleast alam namin what to expect pwede mangyari sa sasakyan namin..congratulation sa 6 yrs old at i think very satisfied kayo sa ride nyo..so far mag 1 yr na rin sa akin dmax ko happy so far wag lang minsan matabihan ng ranger dun pa rin yung inggit ko sa porma nya.silang dalawa kasi yung pinagpilian ko.

    done with my 10k pms gumastos din ako ng almost 9k...

    thanks.time to time sumisilip ako dito sa forum update ng mga bago info especially about our dmax.

  2. Join Date
    May 2013
    Posts
    223
    #1672
    Sup Dmaxer's? Hahah

    To share lang, yung kumakalampag sa likudan ng pick namin was just a simple step board bracket! Spent almost 10k because sabi nung una sa rear axle bearing daw, ang mahal pa naman nung parang gear/abs na kelangan sirain to press fit a new one. Oh well, this time casa did a superb job on diagnosing that stupid a** kalampag! Should've had brought it the first time palang. Charge to experience nalang.

    Another problem they saw is the need for replacement of the rack end or yung kinakapitan/threadan ng tie rod ends. Medyo may play na daw, but still can be used.

    Now, super happy na pag lumiliko pa kaliwa, I dont have to slow down to 30 kph just to avoid that tog tog sound.

  3. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    48
    #1673
    Thanks sir rna800.

    May bago po akong tanong. Ano po kaya possible cause pag ayaw gumana nung reverse cam? No signal po kasi ang lumalabas.
    Pinatingnan ko naman sa technician ang sabi ok naman daw ang connection. Could it be the camera itself? Nagtataka lang ako kasi 2011 model dmax ko parang masyadong maaga para bumigay yung cam. Hah, pahelp po sa mga experts dyan. Tia!

  4. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1674
    *jake_android: Wala akong idea when it comes to the reverse cam, sir. Wala kasing camera ung akin. Yan ang ayoko sa mga kung ano anong mga gadgets na nilalagay nila kasi maganda lang yan sa umpisa at pag bago pero pag tumagal at lumuma na, sakit lang sa ulo kasi ayaw ng gumana.

    Kung ok ang connection, most probably the camera itself. Try bringing it to a different dealership and baka alam nila ang gagawin. Iba iba kasi ang mga tech ng bawat dealership so baka ma solusyunan un ng sa iba. Kung wala talaga, try in Bananwe, baka mas magagaling ung mga tech doon.

  5. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1675
    *bugoys: Good to know that you have finally found the culprit of that annoying sound, sir bugoys.

    Yan talaga ang problema pag dinadala sa dealership or sa kahit saang shop, minsan palit agad ng parts ng hindi pa inoobserbahan. They just rely on the obvious. Then in the end, napaka simple lang pala na part ang nagko cause ng sound or nung problem and ung mga pinalitan na parts ay hindi naman pala related sa problem.

    Ano ang nafifeel mo, sir, while you are driving your truck based on their claim that you need to replace that part that holds the tie rod end? Sa akin wala pa naman napalitan na mga ganyan. So far bushings pa lang ang napalitan sa pang ilalim ng akin simula nung nabili ko ung vehicle.

  6. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1676
    *nabig8: Siyempre, sir, I am very satisfied with my Dmax. At least umabot siya sa ganitong age ng hindi sobrang problematic. Hindi siya ung maganda lang sa umpisa then pag nagka edad na, hindi ko na nakikita sa bahay kasi laging sa dealership na nakaparada dahil lagi nalang meron sira.hehe

    Mabagal lang talaga ang acceleration.hehe Pero kayang kaya padin sumabay lalo kung 170 to 175 kph lang ang takbuhan. At least hindi siya ung akala mo napaktulin sa umpisa pero pagdating ng 120 to 140 kph, paos na.hehe Sa akyatan, ayos na ayos padin.

    Ang isa pa is never akong itinirik ng truck ko kahit almost 1 yr akong naghihintay ng replacement ng EGR. Buti nalang at hindi ko pinapalitan at nakita ko dito sa Tsikot ang Central Diesel. Then ung timing gear/chain, ilang months and kilometers ko din pinatakbo na may tunog bago ko pinaayos pero never na biglang pumalya kasi naputol na. Minsan hinahataw ko pa.

    Maganda talaga ang Ranger, sir. Gwapo talaga. Kahit ako nagagandahan pero ung 3.2 Wildtrak. Hindi ko kasi gusto ung engine ng 2.2. Sulitin mo nalang muna ung Dmax mo then pag napagsawaan mo na, bili ka ng 3.2 Wildtrak.hehe

  7. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    52
    #1677
    ^^^ sir rna800
    sa tingin ko talagang tatagal sa akin yung dmax at di sya basta basta napagsasawaan....kasi wala pambili he he.so far wala pa nman ako modification ginawa kasi wala pa din pang mods,,pero pinaka plan ko lang talaga is yung gulong palitan lang ng size pero same mags mag mukha lang sya parang boondock tsaka yun cover sa likod pinag iipunan ko pa din pero ayaw ko sana yung roller...the rest all stock na hangang sa maluma..kung magka pera man di ko pa din papalitan si dmax bibili nlang ng iba pero di na pick up suv na pang pamilya..yung ranger para lang syang chicks sa akin na napapalingon ka pag dumaan pero syempre kay misis ka pa din (dmax) kasi sya yung pinili talaga.

  8. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1678
    *nabig8: Basta alagaan mo lang yan, sir, for sure hindi ka ipapalya niyan. Make sure na magandang klaseng oil ang gagamitin mo and wag yung mga mineral oil lang. Pati ung fuel filter din. Then of course yung fuel na nilalagay. Pero siyempre, hindi naman invincible ang ating truck and kahit anong alaga natin diyan, dadating ang time ay may masisira pa din. Given na yan. Ang mahalaga is yung interval ng bawat sira. Kung pagkapalit ay ok na and matagal ulit na mapalitan, forgivable un. Pero pag pabalik balik ka nalang sa dealership, ibang usapan na un. Lalo pag medyo nagkaka edad na ang vehicle, diyan mo makikita ang tunay na tibay. Un kasing first 3 yrs, wala pa yan, kumbaga virgin pa yan.hehe Not unless sobrang layo ang bina biyahe mo at umabot ka ng more than 100k kms within 3 yrs, hindi virgin ang tawag doon.hehe

    Akin din, sir, all stock. Di ako sanay sa mga modifications na yan. Hindi ko naman ito binili para ipang race at gawing pinaka mabilis na kotse sa daan. Pero ung gagawin mong parang ung Boondock edition ung gulong, ok yan. Kaso makakaapekto yan sa FC mo kasi mas malaki ung gulong mo.

    Ano ba ang plan mo sa bed ng Dmax mo, sir? Ako naka roll top from Pace Edwards. Sa lifestyle ko nadin kasi. Pag may kailangan ako at inilagay ko sa bed, hilain ko lang ung roll top, sarado na. Then pag may ilagay ako na malaki, pwedeng buksan. Pero as they say, to each his own. Meron akong kilala lahat ng pickup niya naka Campershells lahat.

  9. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    699
    #1679
    Wala pa ba ditong naka new DMax? Feedback naman mga Sir.

  10. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    52
    #1680
    * rna800
    gusto ko sana yung hard top sir na pwede sya i lift up.kaso pag hard cover na parang hirap na sumakay sa likod,mahilig pa nmn sumakay sa likod mga anak ko pag nasa province o kaya pag sundo nmin sa school nila..pag roll up nmn kasi may nabasa ako na nag le leak din daw,pinag iisipan ko din yun folding kung pwede.

Isuzu Dmax Owners [continued]