Good day to all of you,Im sorry kung di dapat dito ito i-post medyo nanibago kasi ako sa site e. Almost 3 weeks ago binalik ko yung pick up ko sa casa for a lot of back jobs sa dashboard.Eto ang kinalabasan,yung 4 days na sinabi sakin inabot ng 2 weeks,yung option ng airduct ayaw ng gumana,lahat ng airduct tuloy may lumalabas na hangin kaya kung gabi sobra kung mag-moist yung winshield ko kaya ang solution ko naglagay ako ng sobre sa ibabaw ng airduct sa may windshield,nasira din yung dalawang front airduct sa dashboard tapos may mga ukit ukit ng screw driver sa dashboard,sinilip ko yung ilalim ng dashboard ang daming kulang na screw tapos mali mali yung kabit ng cable sa options ng airducts,dun naman sa ilalim ng car stereo nawala yung parang maliit na comparment dun kaya butas tuloy at nawawala daw dahil baka raw nakuha ng MALILIKOT ang kamay,yung carpet sa driver's side may mga grasa grasa pa,in short marumi kung trumabaho at marami pang ibang depekto akong nakita. Eto ang sinabi nila..ibalik na lang daw uli. P*#$&*(~ talaga, abala na naman.Wala nama akong binayad pero binayaran naman sila ng insurance. Ang point ko lang naman....CASA yung pinagpagawaan ko,CASA yun hindi pipityuging talyer lang. By the way 1996 TFR pick up yung sasakyan ko. Kung Trooper o kung bagong model kaya ang sasakyan ko,ganito rin kaya ang trabaho nila????