Napansin ko sa ibang thread ng mga auto dito sa tsikot puro leather seats,airbag,ganda ng hitsura,lambot ng ride,DVD player,sounds,wood panel,katahimikan ng makina etc etc...dito naman sa isuzu partikular sa crosswind katibayan ng makina at pang ilalim ang bida

Ilan na tinakbo ng crosswind mo at ano ang kwento kapatid?

Sa akin 03 XUVI 130k na tinatakbo, eto ang workhorse namin sundo dito hatid diyan, ilang beses na din nagamit sa tuguegarao, sa La union at sa baguio, pagkatapos ng warranty sa gas station nalang ako nagpapa changeoil, wala pang 2k petot..isang bese palang ako nagpalit ng baterya,at nagpalit na din ako 3 gulong..last month palit water pump at isang set ng brakepads..
Yung original stereo na pioneer di nanakakabasa ng CD kelangan na ata ng linis, yung ilaw sa aircon switches di na rin nagana, yung silver design sa overrider natanggal na din(ano ba magandang pandikit nun?) Meron lang konting ingay galing sa likod mukhang galing sa rear seats..

Pero makina ganun padin one click parin kahit sa umagang malamig!! Matipid parin..transmission oks parin, mga bintana ayos parin,solid parin pagsarado ng mga pinto,tambutso ok na simula nung pinaltan ko ng malaking flexi pipe...

In other words wala parin plano ibenta dahil solid na solid parin ang overall feel ng sasakyan