Hello peeps, help naman po sa problem ko. mga 4 days ago naka-encouter ako na parang sininok yung sasakyan then nag lost ng pull power,halos naka-floor na yung pedal ko at since parang under power na nga,kelangan ko na lang mag-shift to low gear habang nago-overtake ako pero di naman sya namamatay,parang kinapos ng krudo. pagdating ko sa bahay, habang naka-idle binomba ko yung pedal up to 3k rpm,may time na bumababa yung rpm. kinabukasan ok na naman sya then biglang babalik uli,di sya consistent. by the way,last na palit ko ng fuel filter mga 3 to 4 months ago or sa estimate ko mga around 5k-8k na yung mileage since nung nagpalit po ako, newly drained fuel tank 2 months ago,replaced feed pump mga 3 months ago. Yesterday,dinala ko sa betan for check up,expected ko due for calibration na yung IP ko, low idle na rin kasi. check nila yung engine kung may oil spitting na since almost 400k na yung mileage, so far ok naman daw yung engine, ask nila ako kung kailan last na-calibrate, sabi ko 4years ago sa kanila din, according to them ok pa daw yung IP. Try nila i-high rev,ayun labas ang usok,sabi nila kelangan daw palitan yung nozzles which cost almost 10k yung nozzle lang, wala na raw kasi sa timing pero try din daw nila i-recondition baka pwede (i hope). Now, tanong ko po, iba iba po ba ang type ng nozzle tip ng 4JA1? according sa napagtanungan kong shop (JETCO) ,kelangan daw nila ng number nung nozzle kahit sa 4JA1 pa raw yun it means kelangan pa nila ng sample. Ganun po ba talaga yun? plan ko kasi magdala na lang ako ng pyesa coz medyo mahal sa kanila though genuine din naman yung ipapalit ko. Injector po kaya talaga ang problema? May tinatawag silang strainer located daw sa IP, secondary sa fuel filter, meron ba nito ang IP ng 4JA1? kung meron po,san kaya sa IP yun located? baka kasi pwede pang malinis muna. Thanks po ng marami