New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 21 to 30 of 62
  1. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,398
    #21
    *concept1: sir just spoke to our CRO head regarding SD card ninyowas trying to help kung ano mang tulong magagawa ko kaso ang sabi po nya is nag claim daw po kau na nawalan kau ng SD card 2 days after ninyo magpa service?

  2. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    81
    #22
    Quote Originally Posted by yapoy86 View Post
    although nakadikit ang service center sa sales, eh separate yan dalawa.. iba ang management nila eh..

    yang mga SA magaling lang ang bibig nyan pag nagbebenta.. pag nag ka palpak na yung product.. DENIAL na as in parang hindi ka kilala... wala din naman silang say pag dating sa service...

    kaya wag nyo iiwan sa service center yung kotse nyo bantayan nyo na lang at mas mainam na research nyo muna kung pano gagawin yung mga repairs para at least alam nyo kung mali na ang ginagawa nila..

    naalala ko tuloy sa kia pasay siningil ako ng brake cleaning 800 pesos.. compressed air lang ang ginamit wala man lang break cleaner... grabe... IHIP lang 800 pesos na..

    Naku sir ganyan ginawa ko tapos pinapaalis pa ako ng guard bawal daw sa loob ng service area yung may ari! Pero binalik balikan ko pa din kaso di ako nakatagal kasi ang alikabok sa likod kasi nag tatambak ng lupa kaya paalis alis din ako. Kaso naisahan padin ako

  3. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    81
    #23
    * sir Lui nasa kabilang topic po yung reply ko, Tnx!

  4. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,731
    #24
    Quote Originally Posted by lui View Post
    hi sir mikmik! sorry to hear your story regarding the aircon of your santa fe. hope maayos po ito agad.
    Nako Lui mejo lemon tong Sta. Fe na binigay mo samin.

    Una yung upuan na tuklap agad yung plastic sa likod.

    Ngayon yung Cooling System mabaho.

    pag naka strike 3 na to sa ibang problema, papa-declare ko na lemon eto para palitan nyo.

  5. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #25
    Anong model yung Santa Fe mo?

    2010 o 2006-2009?

  6. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    81
    #26
    Quote Originally Posted by mikmik316 View Post
    Nako Lui mejo lemon tong Sta. Fe na binigay mo samin.

    Una yung upuan na tuklap agad yung plastic sa likod.

    Ngayon yung Cooling System mabaho.

    pag naka strike 3 na to sa ibang problema, papa-declare ko na lemon eto para palitan nyo.

    Naku sir mahirap yan.. SD card nga di mapalitan sasakyan pa???

  7. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #27
    Hahahaha

    Tama ka diyan brad.

    Yung friend ko, Tucson GLS Theta II 2WD naman sa kanya.

    Ang daming issues.

    Dinala lang sa Canlubang para ayusin.

    Tapos binalik na.

    Pero wala na naging problem.

    Pwede nga sana mapalitan yung unit eh.

    Kaso sablay din yung dealer, Hyundai OTIS.

  8. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    81
    #28
    Quote Originally Posted by Starex_Gold View Post
    Hahahaha

    Tama ka diyan brad.

    Yung friend ko, Tucson GLS Theta II 2WD naman sa kanya.

    Ang daming issues.

    Dinala lang sa Canlubang para ayusin.

    Tapos binalik na.

    Pero wala na naging problem.

    Pwede nga sana mapalitan yung unit eh.

    Kaso sablay din yung dealer, Hyundai OTIS.

    Ganyan naman talaga eh magaling lang sila magbenta.

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,731
    #29
    Quote Originally Posted by Starex_Gold View Post
    Anong model yung Santa Fe mo?

    2010 o 2006-2009?
    Oct. 09 so 2009 na Sta. Fe

  10. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,640
    #30
    You can bring your car to a reputable aircon specialist. Pakita lang ninyo ang SF ninyo lalu na yung concern sa aircon, ask their opinion and also ask them to put it in writing na may pirma nila then compare notes kayo sa casa.

    Maganda kase na may pagbabasihan ang casa at least wala silang kawala or excuse diba?

    Ganun ginawa ko nung hindi naka align mga gulong ko at bagong-bago pa SF ko. Pina-print-out ko sa Bridgestone ang readings ng bawat wheel then dinala ko sa Casa for their take on this matter.....


    Tulad nung sabi ko sa kabilang forum...


    Minsan lang ha... I dunno if you experienced this, napapansin ko na bumabaho ang aircon kapag meron kang air freshener sa kotse tapos for a time hindi ka na naglalagay, ayun, ang aircon bumabaho. Observation ko lang naman po ito.

    Isa pa yung kapag nagpapabango ka ng nakabukas ang aircon.. I mean pabango ng tao, tapos ilang araw makalipas eh ayun, bumabaho na rin aircon.

    Parang ang sabi sa akin sa CASA noon eh nagkaka-molds daw sa loob ng aircon dahil sa mga pabangong nilalagay natin sa sasakyan.

    Yun ang nagpapabaho sa buga ng aircon. Inaamag ang loob ng aircon system natin kaya dapat ibaba ang aircon at ipalinis. Walang nasisirang parts kundi nagkaka-molds yung parts ng aircon.

    I just don't know how true is this pero share ko lang naman sa inyo....

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Letter: Aircon System Issue of Sta. Fe