New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 40
  1. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    188
    #1
    Mag-ingat kayo sa mga LTO registration ninyo, better check them sa LTO right after nyo makuha ang OR/CR sa dealer, lalo na pag sa HYUNDAI PAMPANGA kayo bumili.

    At first ang complain ko lang is ang pagbigay nila sa akin ng 2009-2011 sticker, na dapat ay 2010-2012, pinaghintay pa ko dahil daw sa 2010 sticker shortage ng LTO, at pinaabot pa ng 3months bago ako bigyan ng sticker, pagkatapos hindi naman pala 2010 ang ibibigay nila!

    I demanded na palitan nila ng 2010 ang sticker ko kasi hassle kung babalik pa ako all the way from malabon to pampanga sa 2012 para lang kunin ang 2012 sticker! Pinagpipilitan pa nila noong una na gamitin ko na lng ang 2009-2011 sticker at isesend nila thru LBC sa 2012 ang sticker ko. Kung ngaun nga months pa lang ang lumipas balewala na clients sa kanila, gaano pa kaya pagdating ng 2012, maaalala pa ba nila na magsend ng sticker???

    3x ako nag email sa HARI dahil inabot na ng 1 month at hindi pa rin napapalitan ang stiker. To my surprise may mas malalang problema pala! ang plate number ko naka-issue din sa isang customer nila na Sta. Fe ang binili.

    Imagine, kung hindi pala ako nagcomplain sa sticker ko, at naapprehend ako ng MMDA, mapapagkamalan pang carnap ang sasakyan na dala ko dahil iisipin pa na falsified ang dala kong OR CR! Much more kung Hiway Patrol pa ang mag-apprehend sakin, dahil I've heard some news before na may napagkamalan silang carnappers dahil pinagpalit ang plate ng sasakyan, at pinagbabaril na lang nila agad, wala ng sabi sabi.

    Ang agent kong si Grace Goyagoy, na previously ay nirerecommend ko pa sa Hyundai Tucson IX thread, ay hindi na ko tinawagan aftersales. mabuti at walang bumili sa kanya from tsikot, kundi kawawa lang. Wala ng pakialam sa nangyayari sa client nya!

    Hanggang kanina, tawag ako ng tawag sa hyundai pampanga, pero pinagtataguan na nila ako. tsk! tsk! tsk!

  2. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    292
    #2
    Sir wag mo na muna gamitin car mo, hassle pag nahuli ka ng LTO, ako nga eh wala lang plaka kutakutakot na interogation ang inabot ko. Yan pa na may plaka ka nga eh hindi sa iyo nakarehistro. Nakakatakot yan! Yang mga LTO at Highway patrol na yan eh mga walang katwiran yan, pwede naman nila macheck kung talagang nakarehistro sasakyan ko pero pinagpipilitan pa rin nila kunin ang lisensya ko.

  3. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #3
    Take it to the next step.

    Call DTi.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,253
    #4
    I think you're barking at the wrong tree here. Walang kinalaman ang Hyundai Pampanga sa pagrelease ng mga plates from the LTO. They (Hyundai) just bring the documents to the LTO to be processed and the LTO are the ones who will release the plates. Unless may sariling pagawaan ng plaka ang Hyundai.

  5. Join Date
    May 2007
    Posts
    452
    #5
    Agent din namin si Grace Goyagoy sa i10 namin. Inaasikaso niya naman kami hanggang sa aftersales, Siya pa nga ang gumawa ng paraan dun sa nagasgas ng mekaniko sa bumper ng car namin nung nagpa-PMS kami eh. Kahit sa aftersales intact naman siya. Tsaka tama si boybi, baka LTO ang may kasalanan niyan, hindi naman siguro gagawin yan ng Hyundai Pampanga lalo pa't may reputasyon na sila dito. Tsaka pwede mo naman silang i-contact kapag 2012 na.

  6. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,376
    #6
    My suggestion: go to LTO field office which issued your license plate. If they can't explain the issue to you properly, go to the LTO main office in East Avenue

  7. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #7
    LTO yung may kasalanan kaya mali yung naibigay sayong sticker.

    Di naman Hyundai Pampanga yung gumagawa eh.

  8. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    292
    #8
    naiintindihan ko nararamdaman ng TS, nangyari na din sakin to lately lang, ang tagal dumating ng plaka ko dahil inuupuan lang ng dealer yung pagprocess, ayun tuwing mahuhuli ako kailangan ko pa magbigay, minsan napapaaway pa sa enforcer.

    walang pagkakamali ang dealer sa pag issue ng plate and sticker, but they are responsible na dapat walang aberya ang customer sa lahat ng papeles.
    base dun sa kwento ng TS, dalawang plate na issue ng LTO with same letters and numbers? dapat napansin ng dealer yan nung kinuha yan sa LTO. and ang masaklap pa sa kanya yung hindi sa kanya nakarehistro yung plate number na naissue sa kanya. Isa pa december pa release yung sasakyan mag ju-july na wala pa ding sticker? haayyzz, kawawang customer.

  9. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    58
    #9
    Na-goyo kayo ni Goyagoy )

  10. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #10
    December 2009 mo pa pala binili yung Tucson mo.

    Ang plates ng Tucson matagal talaga lumabas dahil sa CSR, almost 3 months na yung sa akin pero wala parin plates ko. Kahit OR/CR wala parin.

    Baka palusot lang nila sayo yung 2010 Sticker, ano ba hiningi mong ending number?

Page 1 of 4 1234 LastLast
Hyundai Pampanga issuing same plate number on their customers!