last shipment na dumating 1st week ng April, wala raw accent hatch both a/t & m/t na kasama.. next shipment na darating nitong 1st week ng May pero nde nila alam kung anong meron.. wala silang say kung anong models kelangan nila, basta kung ano lang ipadala ng hyundai head office yun na yun.. >2 months na ako sa waiting list, 3 months na next month..
i think we will be needing this anytime soon kasi pag tumatagal lalong lumalala yung shudder ng mga diesels. na experience ko yun with my pajero and adventure.
pero as for now hindi naman ramdam sa loob yung nginig.
Nagpa install na ako ng turbo timer. apexi yung brand. Ok naman, except once nag switch off yung engine, na trigger din yung auto unlock nya. Naghahanap ako ngayon ng wiring diagram ng central lock para madisable tong auto unlock. bali wala tuloy yung turbo timer kung nakabukas naman yung door. hayzzz
sorry bro ha.. alam ko na wala dapat basagan ng trip.. pero simple lang solusyon sa problema mo eh... just slow down before you reach your destination or let the engine idle for a minute before you turn it off... ngayon iisipin mo pa paano i-bypass yung auto unlock mo...
No problem bro. iba iba din kasi situation. Office ko kasi, malapit sa highway. Kaya coming from high speed lagi. Ilang beses na din kasi ako na hassle pag antay ng cool down ng engine bago iswitch off. Pero, pauwi sa bahay ok lang, dami kasi humps. Yun na yung cooldown ko.
Isa rin option to. A cheaper option actually.
Ok lang naman ratratin yung CRDi engine during travel, basta mga last 2-3km siguro (malayo layo na yun) chill driving nalang. Wala nang sudden acceleration at high rpm shifting.
Tapos pagpark mo. If hindi nagmamadali intay ka nalang mga 30 seconds to 1 minute (sandali nalang coz nagcool down ka na on the way) before shutting it off.
I know the turbo timer is a need for some, pero sa mga nakikita ito as hassle, gastos etc., pwede naman yung easier way. Self control lang kelangan. Heheheh. Alam ko gano kasarap hatawin ang CRDi from point A to point B hehehe
Anyways *Martz, have you tried bringing it back sa nagpainstall sayo? They might know how. Pwede mo rin dalahin kay Maspro Banawe. Look for Master Benjie![]()
* Martz
Bro alam ko sa wizard nagagawa nila yan dahil yun sa fortuner ganyan din.
Good day mga sir. Just got my accent hatch m/t 3 days ago. noob question about turbo, 1st time ko kasi magkaroon ng diesel vehicle na may turbo. Is that the sudden kick or acceleration na nararamdaman ko when i reach around 1.8k - 2k+ RPM? Thanks!
yes serrr! inakyat ko ng tagaytay nung sunday, swabe ang hila. ang nakakatuwa pa, around 300-350php worth of diesel ang kinain nya from valenzuela to fairview (pickup girlfriend) to tagaytay then back to valenzuela. sayang lang hindi ko natrack yung start and end nung odo ko before ako bumyahe.
noob question din: anong technology naman ang automatic nag re rev up sa 1st gear upto 900 rpm; 2nd gear upto 1000 rpm and 3rd gear upto 1100 without stepping on the gas pedal?