hahaha....sir mas mahirap ang mga daan sa sa mindoro, caticlan, at kalibo compare sa subic..maganda daan sa subic, sctex. i still experience low power (esp. during heavy traffic) after my ecu was replaced but not bad as before. para ma-mitigate stress ko, v-power or blaze gamit ko pag long travel. At hindi ko ina-aapakan ng todo ang clutch ko sir. Ang maganda sa manual sir, i can use half-clutch technique, naiiwasan ko low power esp. pag slow moving. Kapag sa mga incline na daan naman, pag tinggin kong mabibitin ako, tinu-turn off ko aircon by pressing the A/C button.
naghihintay pa din ako ng balita, di ko pa din dinadala kotse ko sa casa, alam ko wala pang solution ang HARI. kapag nag-request pa din sila ng drive test, dadalhin ko sila sa mindoro para magising sila sa kototohanan na may problema sila... pero in this case alam kong nagtutulog-tulugan lang sila.....lol. mga sirs let's keep updated.
*walterbishop
Ah manual pala sayo. Mas madali nga timplahin pag nag low power. Yung akin kasi im at the mercy of my transmission. Sa kasagsagan ng low power minsan pedal to the metal na pero may delay ang response mga 2-3 seconds, yun ang delikado sa a/t. For example merging sa expressway tapos no response, naku either hospital or cemetery nako pupulutin nyan.
hello guys,
pwede niyo po ba i describe yung knocking sound?
pag naka turn off yung radio eto ba yung parang may katabi kang diesel sa gitna ng traffic?
tia
ngayon gamit ko petron unleaded pero nagpalit palit ako naghigh octane na din ako ganun pa din...hindi naman sheltered yung accent ko minsan 80 km per day so batak naman...average takbo 100 km/hr...mukhang may defect makina...waiting to hit my first 5000 then service pero may abiso na ko sa casa sa alabang both with may sales rep tsaka SA...update ko kayo...hindi lang sa a/t nangyayari ang engine knock
Kaparehas niya yung tunog ng lumang taxi, ex corolla xl, lancer el. Pag paahon or kahit patag ang daan, pag napaaga ang shifting yung parang takatak na tunog. In the accents case, ganun din ang tunog but at a lower volume. So there is a good chance na hindi mapapansin ng driver unless you listen for it. Lumalabas yung sound usually at low rpms only, from 1,500-1,800 rpm. Sa high rpm walang knocking, and madalas lang lumabas ang knock pag binebaby mo yung accelerator (tapik tapik)
bro, you may say it that way...pero i can't live with this. imagine, kailangan ko pang gumamit ng mamahalin gas (v-power/blaze) at be always conscious about full/half clutch para lang panakip butas sa problemang low power na di ma solusiyunan ng HARI. bottom line, problem still exists and HARI should do something about it yesterday.
yeah.. OC nga lang talaga mga nakakadinig nyan... as long as hindi kasing lakas ng diesel engine yung knock ng accent eh ok lang yan... meron na ba knock sensor ang accent?? kung meron dapat may data na makukuha from the sensors kung may knock nga talaga... if i'm an accent owner at may knock na hindi naman kasing lakas ng diesel engine (sabi nga mas mahina pa sa knock ng lumang taxi) i will never opt for that ECU update... malamang nyan may corrupted code na upload sa ECU.. madalas kasi via USB ang connection nyan tapos kung may loose connection while updating... patay kang ECU ka...
travelling at 20-40kmp won't bother me. this was when i first heard the grinding sound esp. during 1st and 2nd shift. i didn't bother and ask casa to check. but if you're travelling 80 kmp with your kids behind you and you hear this... hindi na siguro OC ang tawag duon.
ano naman ang kinalaman ng mga bata sa likod ng kotse sa knocking?? hindi naman safety issue yan knocking eh.. yung low power pa...
wala rin naman talaga knock data to confirm... all you have is tenga data... ang your tenga is not enough data to prove knocking...
dati yung F6A engine ng suzuki ko eh na overhaul (due to worn out gasket) tapos nung ok na sya at pinaadar nung mechanic sabi ko bakit parang kumakatok kasi may tikatik na sound eh... so pinakinggan nya sabi nung mechanic wala naman eh.. sabi ko meron... so hinanap nya.. it turned out na yung nadidinig ko pala eh yung pitik ng injectors...
bro i'm not technical, any unusual sound i hear will alarm me and safety of my passengers (yan ang kinalaman ng mga bata). Hanggang hindi nagbibigay ng official finding ang HARI, at this stage siguro nobody not even you, can or can't say it's an engine knock or it's the injector basing from your F6A engine. kaya nga ang sinabi ko sa mga post ko, it's a grinding sound that i heard. first at 20-40 kmp then habang tumatagal nadidinig ko na ding while travelling at 80-100kmp. ang tapang mo naman kung hindi ka kakabahan sa safety mo with this speed and sound.
tama ka sir walter tsaka dapat wala kang naririnig na ganun...yung dinescribe ni bratski na tunog sakto yung sakin ganun din pagshift ko ng cambio sakto takatak tapos paahon rinig na rinig mo yung kalansing ng mga toppet valve...nakakainis lang kabago-bago ng oto tapos tunog luma na ang mahal pa naman ng pagkabili
Sa totoo lang, better be oc kaysa na sa binabalewala at drive lang ng drive. Sinubukan ko nga ipa drive sa driver ko yung accent, tapos tinanong ko, "o may narinig kang kakaiba?". Sabi sakin wala daw, tapos sinabi ko drive niya uli at tumotope yan, since alam na niya ngayon, narinig na niya the second time around.
Most people doesnt know that engine knock can damage your engine, maybe not now but sooner it will. Try searching engine knock effects in google. Maybe its wiser now to ignore the knock as the update will really reduce power, pero tinuloy ko parin pag update kasi ayoko naman makina masira. Ang low power hindi nakakasira pero nakaka bwisit lang sa driver and delikado pag kailangan ng immediate acceleration. Thats why pag ginagamit ko ang accent hindi ako lumalayo. Mga pang malapitang destinations lang and sa side streets ako dumadaan if possible.
Napa daan ako sa NLEX nung weekend, napansin ko nag noknock din nung 100-105...
Pansin din ng pasahero ko so hindi lang ako
sir nag Update ng ECU nawala knocking sound? so ECU talaga may Topak, hindi engine? so dapat palitan nalang ng Casa yung ECU mo...