Magandang araw mga sir.

Baka po may familiar sa inyo sa problema ng Honda Jazz 2009 ko.
May creaking/squeaking sound po kasi sa may back seat. Bale po pag walang nakaupo, medyo mahina lang yung tunog and pag nalulubak lang or nadadaan sa uneven surface. Tapos pag may nakaupo tapos pag nalubak or napapadaan sa pangit or uneven surface, malakas po ang tunog. Pag naman po nakafold lang ang upuan, walang tunog, swabe naman.

Ano po kaya ang problema nito? And saan po kaya pwede ipatingin/ipaayos?

Maraming salamat po.