New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 18

Hybrid View

  1. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    11
    #1
    Guys, magtanong lang sana ako kung reasonable itong cost estimate ng Honda Makati sa aking CRV 2008 na binaha nung August 20 rain. About 22 inches lang naman ang baha sa garahe (covered) and tinanngal ko naman ang batterry nung nag-uumpisa nang tumaas ang tubig. Basa hanggang flooring pero hindi nabasa ang dashboard or seats.
    Ang initial cost estimate (verbal) nila ay 50th. Umaandar sya pero maganit ang manibela kaya pumayag na akong iwan sa kanila yung CRV. Pero now ay naging nagbigay sila ng bagong estimate (written) at total estimated cost ay over 170 thousand. So nakakabigla.
    Apparently, ang malalaking items sa list ay:
    SRS unit CR 07 P31,800
    SRS unit CR 10 P51,300
    BCK COMP POWER STEERING GEAR CR 7 P60,400
    yang tatlong item pa lang ay P143,500 na.

    Again, umaandar yung unit and nadrive pa papunta makati from manila area.
    Maganit ang manibela and umiilaw yung parang Airbag and power steering (?)
    May iba pa kaya akong option (sa ibang shop ko iparepair?).

    thanks

  2. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,796
    #2
    Quote Originally Posted by bensy View Post

    Canvass ka muna sa ibang shop kung magkakano aabutin, out of warranty na rin naman pala car mo eh. No need na sa casa ka. Although mukhang mahal talaga kapag airbag system pinag-usapan at critical part yan.

  3. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    339
    #3
    same case tayo sir till flooring lang din ung unit ko
    casa recommendation din po ung sa SRS at cyempre ung door speaker palit din + detailing and change lahat ng langis nya.
    un ung mga malalaking item.

    if meron naman po kayo AOG maybe no worries na sa gastos. hehe.

  4. Join Date
    Jun 2013
    Posts
    179
    #4
    Pwede naman ata dyan isa-isa lang, kung malapitan lang naman byahe mo isang air-bag lang muna, mag seatbelt ka na lang muna lagi. Canvass ka sa ibang shop pati yun mga papalitan canvass ka rin for sure mas mura yan sa labas.

  5. Join Date
    Jun 2013
    Posts
    179
    #5
    Question dun SRS?

    Since mapapalitan yan, siguro yun bag mismo at yun machine, sure kaya na effective yun tulad ng bago? May test kaya sila na ginagawa dyan? Kung bubukas ba sya o hinde kapag nabangga? Syempre malalaman mo lang kung effective kapag nabangga ka na? Meron kaya sila pang test specially kung hindi mo sa Casa papagawa.

  6. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    11
    #6
    walang AOG eh. Kaya disaster ito.
    Nagtataka ako kung bakit kailangang palitan ang airbag samantalang hanggang floor lang ang baha. Bakit po kaya? ano kaya ang nasira, baka pwedeng yun lang ang palitan at hindi buong airbag.
    Also, please recommend some shops na pwede kong dalhan nung CRV. thanks a lot sa lahat ng nag-rereply

  7. Join Date
    Feb 2013
    Posts
    487
    #7
    Reprogramming lang sa airbag ang kailangan nyan, bakit naman kailangan palitan ang airbag? Or baka yung sensing device lang ang dapat palitan.

    kahit yung mga power steering components nyan, rebuild lang yan.

    Wala pa gna dyan yung mga bearing mo hehehe...

  8. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    134
    #8
    Sir,bka basa din ung srs unit(module) or ung front impact sensor.nasa center panel location nun.tapos may memory erase signal connector naman sa ilalim driver side likod ng obd2 connector.sana pinatuyo nlng muna ung module chka ung sockets tapos try to reset,bka sakali pwede pa.Ung power steering,bka electronic na din kse un.bka basa lng din mga connectors/sockets kya matigas manibela.sealed naman motor nun,d sya basta masisira.kung pasukin man,pwede repair.mahal talaga sa casa,kse puro brand new cla.PM me if you need help.
    Chka tanong nyo din kung ilan srs unit nakakabit sa crv nyo?

  9. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    11
    #9
    Hindi maganda ang style ng Honda Makati (Magallanes). Alam na alam naman nila na sira ang airbag at power steering kaya nga ipinapagawa sa kanila. Alam din na maganit na nga ang manibela at binaha ito hanggang flooring. Nagbigay sila ng estimate 40k to 60k.
    pero ngayon ay 174k + na ang gusto nila. at sa halagang 31k ay hindi na nila aayusin ang airbag at power steering, change oil etc lang.
    parang nakakaloko na ang sistema nila. mukhang Rip Off na ito.
    Na calamity na nga kami, nagte take advantage pa sila.
    Mukhang ito na ang last kong Honda car.

  10. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    805
    #10
    Mahal talaga sa mga CASA, usually palit ang ginagawa at halos walang repair. Pwede naman use their diagnosis as reference on what to have repaired. Tapos hanap ka ng matino at affordable na repair shop sa labas. Malamang yung ibang beteranong mekaniko nila diyan sa Honda may konting moonlighting rin ginagawa.

    Sent from my mind using Telepathy 2

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Repair Cost of Flooded CRV