Mga sirs,

Help naman po ulit mga sirs, yung radiator ko kasi ngayon eh tap water lang ang laman. Bale balak ko palitan ng coolant yung radiator ko. Balak ko eh ako na lang ang mag drain para menos gastos. Tanong ko lang po ang mga ito:

1. Proper procedure sa pag drain ng radiator?
2. Proper procedure sa paglalgay ng coolant?
3. Anong coolant ang magandang gamitin for Honda City '98?
4. Pano po yung mixture ratio ng water and coolant?
5. Pag po naglalagay na ako ng coolant with mixture of water eh dapat bukas makina ko?
6. Ilang liters po kaya yung need nitong radiator?