mga bro may tanong ako.. balak ko sanang bumili ng honda civic AT 2006 model.. nung tinest drive ko.. nilagay ko sa "D" ung drive stick.. then i release the break.. d umaandar ng kaunti ung car kailangan ko pa i gas bago cia umandar.. ganun din sa "R"..ganun po ba talga mga FD ngaun? i used kc 1997 model ng civic AT din.. pag nsa "D" and "R" cia.. kahit d ko hapak ung gas umaandar cia kaunti.. i hope na intindihan nyo ung explanation ko.. TIA sa sasagot
Dapat umandar yan kapag nasa alin mang forward or reverse gears. Check lang kung malambot or naka-kalso sa lubak/bato yung alin mang gulong.
Check mo din yung RPM. Ang nominal na idle RPM kapag mainit na makina is 750-800.
At syempre, check mo din level at condition ng ATF. Alamin mo sa mayari kung kelan sya huling nagpalit ng ATF at kung ano ginamit. Dapat Honda ATF-Z1 or ATF-DW1 lang gamitin.