New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    15
    #1
    kapag kumakanan ako may naririnig ako ng "creeeekk" sa may steering wheel.. sinubakan ko kapag di umaandar at iniikot ang steering okay naman at walang tunog.. nagcheck din ako ng level ng fluid okay din naman.. honda city 2000 lxi 1.3 manual at naka power steering.. ano po kaya ang problem??

  2. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    31
    #2
    Same din sakin, left or right. Pag nadaan naman sa lubak kahit di naman ganon ka lalim na lubak. May tok tok sound sa bandang left sa harap. Bandang paanan ko na. Pero pag wala naman lubak swabe naman pag nag steer ako. Yung sound nya parang sirang bakal na nagbabanggaan. Haha Pero pag straight at may lubak minimal lang naririnig ko di katulad ng pag lumiko ako. Patulong mga guru. Ayoko muna kasi pumunta sa mga shop tapos iba iba sabihin at bilhin.

  3. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    179
    #3
    mga sirs, palitan nyo cv joint. dapat kasi maganit yan, yung bang mahigpit, pagpinihit sa kanan, stay lang sa kanan. dapat walang free play yung cv joint. naranasan ko rin yan, pagpinihit ko sa kaliwa parang may nagkikiskisang bakal na kala mo kakalas na yung gulong. pinalitan ko ang cv joint, nawala na ang ingay.

    bago ko palitan ang cv joint, nagtry lang akong magpatingin sa isang shop sa evangelista. umabot ng 20k ang quote sa akin. grabe ang mahal. yung mga di naman kelangang palitan, papalitan. tpos grabe pa ang presyo ng mga ipapalit, kala mo may ginto. kaya alis ako.

    so, kami na lang ng tatay ko ang gumawa. binaklas namin ang cv joint at yun nga, may free play na. dinala ko ang sample sa auto supply na malapit dito sa amin at swerteng meron silang piyesa. P520 per piece at japan na. kaya ayun, sobrang laki ng natipid ko.

    yung cv joint ibaiba ang price nyan. may mahal may mura. hanap na lang po kayo kung saan kayo makakamura at made in japan na ang kunin nyo. pwede na rin ang replacement basta magkasukat yung cv joint kaya dapat magdala ng sample.

  4. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    179
    #4

creeking sound kapag kumakanan