Ok so long story short nagpaayos ako ng oil gaskets, oil pan, etc. kasi may oil leak yung 02 CRV ko. Nagpapalit din ako ng 3 engine mounts (original honda). Nagpaoil change at bagong ATF na rin (honda fluids).
Everything was fine when I started the engine - no noise and the engine seemed to run smoother. Nung nag-test drive na, dun na yung problema. After around 5 minutes of driving, biglang nag rev up to 4,000 RPM yung makina pero hindi gumagalaw kaya tumirik ako. Parang naka-neutral lang. I had to rest the car for ~30 seconds para gumalaw sya. After restarting the engine, gumalaw naman siya pero it didn't shift gears kahit ang tagal nang nakarev, at mabagal din yung galaw. The 'D' light was also blinking. Pinahinga ko ulit nang mas matagal tapos tinanggal ng mekaniko yung sensor. Nag test-drive ulit tapos okay na yung takbo - nagshishift na nang maayos until nag rev ulit ng 4,000 RPM nang parang naka-neutral. So I'd assume na walang kinalaman dun yung sensor, it's just that nakapahinga yung sasakyan ng matagal kaya naging okay yung takbo.
Hindi pa malaman ng mga mekaniko yung issue. They tried tightening sockets up pero wala pa rin. I'm thinking of having it checked by a Honda mechanic.
Note: Walang problema yung transmission before having it serviced sa banawe. Though pansin ko na may onting delay at abrupt yung andar when shifting from park/neutral to drive.
What do you think mga sir? Parecommend naman ng dapat kong gawin.
Salamat ng marami!![]()


Reply With Quote

