Good day Tsikoteers! Help po sa pag diagnose ng problem ko...

May sign of brake fluid leak in between hydrovac and car wall at umagas ito hanggang sa underchassis ko. For 3 days napansin ko ang spot ng leak sa garahe ko. Sabi ng mechanic observe ko daw muna kung magbabawas ang fluid. Kakatapos ko lang kasi ito ipa replace ng brake fluid at siniphon nila ang old from the tires and the fluid receptacle.

Sabi nung isang mechanic baka may stock daw sa hydrovac at tumapon ito dahil di naman nabawasan ang fluid gaano, siguro mga 3mm lang from max level. Pero judging sa dami ng agas sa underchassis at sa tulo sa garahe ko, parang dapat halos nasa minimum na or below pa ang fluid level ko.

Meron po kaya sa inyo ng nakaranas na ng ganito?