Mga sir ano po kaya problem ng AT ng Civic ko kasi nawawala ang reverse tapos mga 1 minute babalik. Kailangan na bang ipa-replace ang transmission nito? Thanks in advance po.
Mga sir ano po kaya problem ng AT ng Civic ko kasi nawawala ang reverse tapos mga 1 minute babalik. Kailangan na bang ipa-replace ang transmission nito? Thanks in advance po.
Pa-check mo muna before going the replacement option. Kung sa Sucat area ka, dalhin mo kay Mel Casaba.
Sir sa kawork kong may talyer napagusapan namin yang ganyang problem ang suggestion nya wag agad replace ng transmission sayang mas maganda transmission rebuild pero sabi nya hindi raw lahat marunong ng rebuild maraming nagkakamali or di marunong in the end mas napapagastos ang nagparebuild, tsaka ang matic trans ay every 60k odo dapat nag papachange atf DIALYSIS type
Thanks mga sir/bro, pina-change ATF ko last week sinabay ko na din sa pag change oil. so far ok naman ngayon sana di na bumalik yung pagde-delay ang reverse.
Bigyan mo 6months... Kung hindi bumalik problem ok na yan. Usually kasi after atf change gaganda talaga takbo, pero kung sira talaga, 6 months babalik yung problem.
After ng change ATF mga 3 weeks lang bumalik na yung delay ng reverse at mas lalong tumagal ang pagka-delay tapos nagka-problem na din ako sa drive minsan parang ayaw pumasok ang gear. bale 6 months ko ng pinagtitiisan kasi hindi ko talaga alam best na gawin dito, sabi ng iba replace transmission at mukang malaking budget ang kailangan.
Wala na po bang ibang way para ayusin ito? Nagbrowse ako sa sulit/olx kanina at nakita ko ito:
Automatic Transmission Repair, Prevent Overhaul - Brand New For Sale Philippines - 38942096
Meron na po bang nakapag-try nito?
Nadagdagan pa ako ng isang problem, may leak yung power steering ko at sabi ng mekaniko mlaking halaga daw ang paayos nito.
Sana mabigyan niyo ako ng tamang advice, maraming maraming salamat po in advance.
God Bless po sa inyo.
^^^palit atf ka ulit paps. Dapat correct specification. Imho dexron 3 dapat diyan but PLEASE double check sa manual.
Posted via Tsikot Mobile App
Your problem is that the internal rubber o-ring seals of the transmission have to replaced, rebuild/repair yan, ganyan ginawa ko sakin mga 5 months ago. Happens because of age of the vehicle. No need to replace with a surplus tranny or replace ATF.
Palinis or baka kailangan ng palitan ang solenoid niyan. Palinis muna mga solenoid tapos bagong atf ulit.
^^^another item is the atf filter baka barado na.
Posted via Tsikot Mobile App
If malapit lang kayo sa marikina, try niyo sa trevjill autohaus. Or subukan niyo narin dumaan sa mga machine shop na malapit sainyo sir.
Ganyan nangyari sa corolla lovelife ko, 5 min bago mag reverse. Pinaltan ko lang 6 na o-ring sa luob. Cost me 60pesos lang . Tapos linis filter na din.
Binalik ko pa nga atf, nag pa dialysis na ako last month, di naman nawala problema so binalik ko na lang atf at palit 6 na o-ring.
Ayun tumino atras st wala na din delay sa abante.
medyo matagal ko ng tinitiis yung automatic transmission ng civic ko, medyo umayos yung reverse nung nilagyan ko ng lucas transmission fix additive pero hindi din tumagal ngayon ang tagal na namang mag-reverse delayed na naman. Tulong naman mga sir. Salamat.
Bakit ka nagtitiis, bakit di mo ipaayos? Dalhin mo sa Honda Casa, ask their Service Advisors on what service needs to be done to resolve your AT problems with your civic. And decide if you will and want the service from casa work on your civic.
Sent from my UP+ using Tapatalk