hi guys share ko lang nexperience ko sa honda vti 96 model...
the problem was..
Ang AC ko date e merong problem high pressure at meron tickling sound sa engine sa bandang compressor.. then i went to AC specialist sa Balibago pinalitan nya ang expansion valve at checked the drier.. ok pa naman ung drier... then nung una nawala ang sound pero bumalik parin.. back job ko sa ac specialist of anlu enterprises then nilagyan nya ng additional fan sa front ng condenser.. ganun parin hanggang sa pinakialaman na nya ang idle ganun parin hindi nya maayos ayos.. my point is kung di na nya kaya sabihin nya mahirap na kase manghula wala pa naman syang alam sa engine... sabi nya baka daw ang servo ang me problem sabi ko nagtest na kami dyan ng ibang servo ganun parin ang problem... hanggang sa bumagsak kami sa compressor... mahal ang compressor 3500 then I decided to went to Doc Abet... and finally nakita kagad ang problem..
the problem was in idling ng engine, nilinis nila ang pinagkakabitan ng air cleaner and then checked the timing sabi nila advance daw ng 2 lines di ko alam yun hehe... and then after that nawala na ang matagal kong problema and merong nangyari na maganda sa oto namin dahil dun sa pag adjust ng timing ang pinoproblema kung mahina bumatak e nagbago...
Problema ko ang mahinang batak ng oto namin pag on ang AC... after that lumakas ang hatak ng oto namin kahit #4 ang AC ko... Thank's to Doc Abet grabe sobrang proffesional na mekaniko, partida ha ang kumilos lang ay yung helper nya... Thanks ng marami feeling ko ngayon taas ng value ng oto ko dahil sa nangyare na yun... Excited tuloy lagi akong magdrive.. So i decided na si Doc Abet na ang regular mechanic ng oto namin.. hindi lang makina ang specialty nila pati sa AC magaling din sila..
Advice ko lang sa magpapagawa sa inyo ng AC dapat pagawa nyo sa marunong din sa engine para tamang diagnose ang ibigay sa inyo... Nakasave ako ng malaking halaga imbes na bumili ako ng compressor e no need na courtesy of Doc Abet.... Thanks for viewing!!
God Bless Tsikoters!!!