Yung FD hindi na ako gumagamit. Parents ko na. Pero minsan nagagamit ko. One time eh ginamit ko eh nahihilo ako. Tinanong ko parents ko kung bakit ganun. Sabi nila ako lang daw nahihilo. Pero madali ako makaamoy ng mali eh.
Eh ginamit ko ulit car paghatid sa cousins ko. Nagreklamo kasi ko bakit nakakahilo. Tapos meron kami tindera eh ganun din reklamo nung pinasama kasi may bibilhin. So sure ako na may toxic sa loob ng kotse. Tatlo na kami nakakaamoy. Feeling ko naimmune na parents ko kaya hindi nagrereklamo. Doon ako natatakot kasi parang sigarilyo yan. Di ba mga cigarette smoker hindi nahihilo sa usok ng yosi nila pero ang non-smoker makaamoy lang ng konti eh naiinis na.
So ginawa ko hinanap ko kung saan yung "chemical smell" (List ko kung ano likely culprit)
-Sa trunk yung carpet na may wood sa ilalim.(Mukhang ito eh. Ang tapang ng amoy nung wood. Parang yung ginamit na adhesive eh formaldehyde)
-Aircon (Di ba may reklamo sa aircon ng FD?)
-Energizer battery nakakalat sa center console(Pag mainit sa kotse magleleak yun. I dont know but Least likely)
i think its not wood yung sa ilalim ng carpet, its a hard card board. anyway, kung doon strongest scent, then that might be the problem. remove both the carpet and the cardboard and clean the entire trunk including the spare tire. IMO may natapon na some kind of fluid sa trunk area.
Hindi ko pa ginagamit yung kotse ulit pero tinapon ko na energizer battery na nakakalat.
Sige palitan ko yung aircon filter. Yung sinasabi ko kahoy sa likod ng kotse lawanit ata tawag doon. Grabe yung amoy eh. Parang yung mga binebenta furniture na ang sakit sa ulong. Parang hindi na defume eh.
Magpapasadya na lang ako ng panibagong kahoy tapos ibang adhesive ipagamit ko. Duda ko talaga formaldehyde ginamit doon.
kahit palitan mo yun cabin filter ganun pa rin mabantot talaga yan dahil meron carbon... siguro yun A/C ang naaamoy mo. if it is hinde naman harmful yan
Naalala ko nung bagong bili yung kotse may amoy talaga pag ON aircon ng FD pero hindi nakakahilo.
Check nyo sa FD nyo yung trunk tapos pasok nyo ulo ng konti may amoy na parang furniture eh lalo na doon sa carpet covered lawanit. Sa likod ng lawanit doon sa sides may mga pandikit residue na color white. Parang ngayon nagdisintegrate yung mga fumes.
Kasi pag rugby ginamit eventually nawawala yung amoy.