Update lang.
Went to Rey's electrical sa cubao kasi hirap na talaga mag start. Meron pang one time na muntik ako itirik sa mall, pinalamig ko makina ng 1 hour bago mag on engine.
Nung una nag hehesitate sila ayusin, kasi mahirap daw ayusin starter ng GM6 kasi wala solenoid. Hit or miss daw kasi merong isang part dun na mahirap alisin, it's either mabuksan nila or masisira yung part na yun and hindi na magagamit yung starter.
So ako pinag desisyon nila, wala na talaga ako choice since Reys na ang nagsabi, pinasubukan ko na paayos sa kanila since pag hindi naman nila naayos labor lang ang babayaran ko and plano ko na bumili na lang talaga sa casa ng bagong starter which is worth 18k.
Buti na lang merong senior electrician doon na pinag compare yung starter ng previous generation ng Jazz and starter ko. Pareho ng sukat and same ng connection. Sinubukan nila ikabit and ayun nag start so pwede nga.
Good thing is they have available Jazz starter there so I opt for it na lang. Total damage 3500

with 3 months warranty.
Sabi sakin mas ok daw yung mga dating starter ng Jazz at City kasi may solenoid and madaling ayusin compared sa new starter ng GM6. Kahit sa probinsya ko pa daw paayos kayang kayang gawin.
Dun sa mga under warranty pa, beware of the symptoms, malakas pa battery nyo pero twice or thrice (walang crank and "tick" sound lang) bago mag on engine. Papalitan nyo na agad ng bago sa casa.