New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 190 of 884 FirstFirst ... 90140180186187188189190191192193194200240290 ... LastLast
Results 1,891 to 1,900 of 8837
  1. Join Date
    Nov 2014
    Posts
    208
    #1891
    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
    *sensen ano variant kukunin mo? Magkano down mo and monthly?

    Afaik same lang presyo across all dealers, nagkakatalo lang yan sa freebies. Bago ako bumili same lang offer ng yuchengco group and ayala group.


    Sent from my iPhone using Tapatalk
    Bro, october pa ako nagmamanman sa presyo ng vx at E variant. Hehe. Dati iba presyo ng city e. Bglang nagmahal ng konting konti lang naman. Tumaas ng 3k lang naman sa SRP. Parehas kami ni dhisky ng city. E CVT. Im planning to change kasi yung mags into TE37 volk racing gun metal 16s. Kaya E CVT kinuha ko. And nalilito kasi ako sa rear camera. Back up sensor lang kasi bro sapat na sakin yun. Sa rear camera kasi di ako sanay tumingin dun baka lalo lang ako mabangga dun. By the way ang down ko ay 59k then monthly 16,788pesos. Bale tutubo sila sakin ng 267,280pesos sa loob ng 5yrs. Nacompute ko na po yan. Pag bank finance naman po ang tutubuin ni bank ay nasa 185,000pesos sir pag sa rcbc bank finance rekta sa bangko. Kasi sa rcbc pag rekta ka, 174k downpayment kasma na chattel, LTO at compre insurance. Then monthly na 13,500pesos good for 60months. So lumalabas na 267,280pesos minus 185,000 equals 82,280pesos yun ang difference nila sa inhouse and bank financing.

  2. Join Date
    Dec 2014
    Posts
    1,253
    #1892
    Congrats sensen

    Penge feedback ng sensor ng Honda huh. 4 eye sensor kaya?

  3. Join Date
    May 2014
    Posts
    27
    #1893
    Quote Originally Posted by sensen View Post
    Maraming salamat sa inyong lahat. Sa lahat ng suggestion niyo. di nako nagpa co-maker. Akala ko kasi pag mayaman co-maker mo mas mabilis ang transaction. Hehehe. Partida nka tatlong cr-v na tita ko dun sa alabang na yun. But still, mahigpit talaga cguro yung rcbc representative ng honda alabang. Pero tingin ko nasa agent yan e. Hehehehe. Thanks kay dhisky. Natext ko yung SA mo brod. Ok kausap. Walter name di ba? Ok kausap yun. Bukas magkakaalaman kung sino mauuna sa dalawa. Makati or alabang. Hehe. Bumawi yung alabang sakin napaapprove ako without co-maker sa eastwest bank. And iffree yung back up sensor ko ata. Hehe. Bilang ganti. Hehehe. Yung sa makati din free back up sensor ata. "Ata" kasi papatanggal daw nya sa rcbc ang approval ko na with co-maker. Jan makikita kung magaling ang agent. Sa nagtatanong dun sa agent ko sa alabang kung magaling, palagi lang naman nya yinayabang sakin na kesyo matagal na daw sya dun sa alabang. Hahahaa. Gusto ko na nga sabihin na, wala ako paki kung matagal kna jan dahil di pamantayan kung matagal kna sa serbisyo. Kahit bago ang agent kung madiskarte at madami connection. Walang sinabi ang "katagalan" mo sa serbisyo. At kaya ako di kumuha sa honda dasma kasi franchise ang honda dasma kaya mas mahal jan. Ang honda makati, pasig, at alabang. Ayala properties yan. Kaya malaki discount. Kaya naman po ako nde nag bank Finance kasi po mga sir wala ako pera pang downpayment sa bank finance po. Bata pa po ako. Sariling sikap lang po ang pambili ko ng kotse. Nde po galing sa magulang ko. 23yrs old lang po ako. Sana po e makuha ko na ang kotse by tonorrow. wish me luck guys.
    Boss pwede ba namin malamn name nung agent sa Honda alabang? Actually dun ko nakuha vx ko and wala naman problem, smooth and fast transaction yung experience ko sa Honda alabang

  4. Join Date
    Nov 2014
    Posts
    208
    #1894
    Quote Originally Posted by beansilog View Post
    Boss pwede ba namin malamn name nung agent sa Honda alabang? Actually dun ko nakuha vx ko and wala naman problem, smooth and fast transaction yung experience ko sa Honda alabang
    Wag na lang bro for the sake of the agents name. Pasensya na. Kawawa din naman e babae pa naman din. Ang may kasalanan naman talaga e yung taga rcbc representative nila yun ang maarte.

  5. Join Date
    Dec 2014
    Posts
    1,253
    #1895
    Question sa mga naka navi.

    Pwede sya offline? or you need to be online para magamit sya?

  6. Join Date
    Jan 2015
    Posts
    18
    #1896
    Quote Originally Posted by sensen View Post
    V-kool bro ang first choice ko pagdating sa tint. Kaya ako di ko aavail ang tint na freebies sa casa lalo na sa honda kasi walang kasiguraduhan na 3M talaga yun. Baka ordinary lang yjng sa casa.
    vkool would be my second option din sana, since nka wrap na ng 3m yung side and rear windows ko. mainit kasi pag walang tint sa harap lalo na sa daytime driving, ramdam mo na mainit ang dashboard lalo na pag sumasama sa buga ng aircon. but i might try vkool din sa harap. thanks sa input.

  7. Join Date
    Jan 2015
    Posts
    18
    #1897
    Quote Originally Posted by sensen View Post
    Yup pag pa-north na, YGC company na may ari ng mga honda dealers dun. Mas ok dun kaya lang malayo sakin. South kasi ako.
    agree, kaya kahit from south din ako (las pinas) im willing to travel to ghill since naging okay nman lahat ng transaction namin including my first 1000km PMS. asikaso nila mga clients nila. they would offer you coffee or drinks all the time and would check and give you update from the mechanic from time to time. goodluck sa new ride, and keep us posted.

  8. Join Date
    Oct 2014
    Posts
    174
    #1898
    Mga sir, dapat ba kulitin si SA regarding sa plaka? May magagawa ba sila para mapabilis un?

  9. Join Date
    May 2014
    Posts
    27
    #1899
    Quote Originally Posted by vinrom View Post
    Mga sir, dapat ba kulitin si SA regarding sa plaka? May magagawa ba sila para mapabilis un?
    Siguro sir wag kulitin pero regular updates. Yung sakin kakakuha lang mga last week of December 2014. Narelease yung tsikot mga 3rd week ata ng July 2014. 5months din na antayan. Pero may ibang case na mabilis nakuha yung mga plaka nila, masipag siguro yung agent na yun

  10. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #1900
    Kahit naman kulitin mo template na sagot nyan.

    Naka depende na yan sa SOP ng dealer and sa LO nila.

    Kada dealer iba iba practice with regards to registration of released vehicles.

    Still nothing to lose naman kung kukulitin mo SA mo.

    Ako in a month after getting my car nakuha ko na plaka ko


    Sent from my iPhone using Tapatalk

Tags for this Thread

2014 Honda City (Gen 4)