^^^Madalas ko rin makasabay yung convoy ni VP Noli sa Commonwealth bago sila kumaliwa sa Tandang Sora. Kups nga talaga magmaneho yung escorts nya. Pero ayon sa batas, mey karapatan siya gumamit ng escort at wangwang. Sana lang kasi di nalalasing yung mga bodyguard nya sa ilusyon na kasing importante sila ng kanilang boss. Kaya ang yayabang siguro ng mga yun.

Mey ginagawa ba talaga ang mga otoridad para mapigil yung mga feeling na gumagamit ng police escort kahit na illegal ang gawaing 'to? O puro press release as usual ang PNP at TMG?