I dont know if this should belong to this section... mods pakilipat na lang kung saan appropriate yun thread.
Ask ko lang kung ano SOP ng mga pulis sa pag-flag down ng motorist?
Yesterday, Friday the 13th, I was with my fiancee at papaluwas kami ng manila so sa may balintawak cloverleaf na kami papa-akyat papunta monumento then pinara kami ng 2 pulis(yun isa may m16 pa at nakaupo sa may hood ng patrol car) so ako naman tumabi ako in front of their patrol then binaba ko yun bintana tapos tinanong ko yun pulis kung ano violation ko then sabi nya tint daw so sinabi ko sa kanya kasi sa fiancee ko yun at syempre babae yun driver so kelangan medyo tinted talaga (sa fiancee ko talaga yun sasakyan) tapos hiningan ako ng licensya at rehistro ng sasakyan saka tinanong kung may baril na dala at pinababa ako ng sasakyan (medyo nakaumang na rin yun kasama nya na naka m16) since wala naman ako alam na violation at walang ginagawang illegal eh di bumaba ako while yun m16 ng kasama nya eh nakatutok sakin (i cant blame them, malaki kasi ako eh!) tapos kinakapkapan ako nung kasama nya. binigay ko yun lisensya ko tapos nakita nila na may hand gun license ako. nung makita nila yun medyo bumait sila sa kin (bakit kaya?) then thorough search sila sa sasakyan which is ok lang naman since i am not really fond of bringing guns (baka makadisgrasya pa) tapos habang nagsesearch eh kinukwentuhan ako nung pulis telling me that i should get a PTC dahil sa dami na daw ng kriminal ngayon pero sabi ko mahigpit ang crame at kailangan ng police report na may threat ka sa buhay mo. sabi nung isang pulis "barilin mo yun gate mo then pagawa ka ng report".
Di ko masasabi na rant eto pero gusto ko lang maliwanagan. paano ba dapat ang gagawin kapag pinara ka ng pulis at gusto i-search sasakyan mo?
Wala naman kasi nakalagay na checkpoint dun at dalawa lang sila. Di rin naman sila LTO or traffic enforcer... kinabahan nga ako after makaalis kami kasi pwede sila mag-plant ng kung ano sa sasakyan, the way the police conducted the search medyo di malabo mangyari yun. Siguro pumayag lang ako since "in good faith" at tiwala ako sa kanila dahil wala naman ako ginagawa kalokohan.


Reply With Quote
